Ebanghelyo: Lucas 10:13-16
Sawimpalad ka, Corazin! Sawimpalad ka, Betsaida! Kung sa Tiro at Sidon nang yari ang mga himalang gi nawa sa inyo, matagal na sana silang nagdamit-sako at naupo sa abo at na kapagbalik-loob. Kaya magaan pa ang sasapitin ng Tiro at Sidon kaysa inyo sa araw ng pag hatol. At ikaw naman, Capernaum, da dakilain ka kaya hanggang langit? Hindi! Ibubulid ka sa impiyerno! Ang nakikinig sa inyo ay nakikinig sa akin, at ang ditumatanggap sa inyo ay di-tumatanggap sa akin. At ang dituma tanggap sa akin ay di tumanggap sa nag sugo sa akin.”
Pagninilay
Mayroong mga lay minister at katekista na minsa’y pinanghihinaan ng loob dahil maraming mga taong isinasantabi at hindi nagbibigay pansin sa mga gawaing pang-Simbahan. Lumalapit sila sa pari at nagsasabing nais na nilang mag pahinga sa kanilang paglilingkod. Konti na lang ang nakikilahok sa kanilang mga gawain sa sambayanan tulad ng katekismo at iba pa. Ang Ebanghelyo ngayo’y nagpapaalalang ang misyon sa pagpapahayag ay nasa Panginoon mismo. Kung maranasan man nang mga naglilingkod ang pagtanggi o pagtalikod, hindi sila ang tinatalikuran kundi ang Panginoong tumawag at nagpadala sa kanila. Sa mga naglilingkod sa Simbahan, kaila ngang humingi parati nang biyaya na maging matibay at magtiwala upang manatili sa mga gawain sa misyon ng Simbahan. Mayroong mga pagkakataong hindi pa handa ang iba sa pagtanggap sa mensahe ng Panginoon. Ipanalangin natin sila’y maliwa nagan at hipuin ng Panginoon ang kanilang mga puso upang mabuksan sa mga Salita, sakramento, at pakikibahagi sa buhay ng Simbahan.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023





