Ebanghelyo: Mateo 21:33-43
Makinig kayo sa isa pang halim ba wa: May isang may-ari ng bahay na nag tanim ng ubasan; binakuran ang paligid nito, humukay para sa pisaan ng ubas, at nagtayo ng toreng bantayan. Pina upahan niya ang ubasan sa mga magsa saka at naglakbay sa ma layo. Nang malapit na ang panahon ng anihan, pina punta ng may-ari ang kanyang mga katulong sa mga mag sasaka para kubrahin ang kanyang bahagi sa ani. Ngunit si nung gaban ng mga magsasaka ang kanyang mga katulong, binugbog ang isa, pinatay ang iba at binato ang ilan. Nagpadala uli ang may-ari ng ma rami pang katulong pero ganoon din ang ginawa ng mga magsasaka sa kanila. Sa bandang huli, ipinadala na rin niya ang kanyang anak sa pag-aaka lang ‘Igagalang nila ang aking anak.’ Ngunit nang makita ng mga magsa saka ang anak, inisip nilang ‘Ito ang tagapag mana. Patayin natin siya at mapapasaatin ang kanyang mana.’ Kaya sinunggaban nila siya, at pina layas sa ubasan at pinatay. Ngayon, pagdating ng may-ari ng ubasan, ano ang gagawin niya sa mga magsasaka?” Sinabi nila sa kan ya: “Hindi niya kaaawaan ang masasamang taong iyon; pupuksain niya ang mga iyon at pauupahan ang ubasan sa ibang magsasakang magbibigay ng kanyang kaparte sa anihan.” At sumagot si Jesus: “Hindi ba ninyo nabasa sa Kasu latan? ‘Naging panulu kang bato ang tinanggihan ng mga taga pagtayo. Gawa ito ng Pangi noon; at ka hanga-hanga ang ating nakita.’ Kaya sinasabi ko sa inyo: aagawin sa inyo ang kaharian ng Diyos at ibibigay sa isang bayang makapag papalago nito.
Pagninilay
Ang tao ang huling nilikha ng Diyos. Siya ang itinuturing na higit sa lahat ng nilikha upang alagaan ang mga ito. Binigyan ang tao nang kapangyarihang pangalanan ang lahat ng nilikha. Gayunpaman, ang ganitong kapangyarihan ay naaabuso at inaangkin ng tao dahil sa pagkamakasarili at kasakiman. Maraming paghihirap ang kinakaharap ng mundo ngayon. Patuloy na nagbabago ang takbo ng klima dahil sa pang-aabuso sa kapaligiran. Dahil dito, tumitindi ang epekto ng mga kalamidad tulad ng bagyo, baha, at lindol. Dahil sa kapabayaan, maraming tao ang nagiging biktima ng mga pangaabuso nang mga taong nasa katungkulan. Maraming bata ang nasa mahirap na kalagayan dahil sa mga magulang na walang paki-alam sa kinabukasan ng kanilang mga anak. Tayong lahat ay inatasan nang Panginoon sa iba’t-ibang pamamaraan at kakayahan. Sa katapusang panahon, tayong lahat ay mayroong pananagutan sa Panginoon kung paano natin tutuparin ang ating mga tungkulin. Pinapaalalahanan tayo ni San Pablo sa kanyang sulat sa mga taga-Filipos na hindi tayo dapat mangamba sa mga bagay nitong mundo. Sundin natin ang mga tungkulin natin sa pananalangin, kapayapaan, kasiyahan, at tiwala sa Panginoon. Magiging makabuluhan ang ating pagiging inatasan ng Diyos kung ang paglilingkod ay magmumula sa ligaya ng Panginoon at hindi sa pagkamakasarili at kasakiman. Sa ganitong paraan, mananatili tayo sa kapayapaan ng Diyos.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023





