Ebanghelyo: Mateo 11:11-15
Talagang sinasabi ko sa inyo, walang sinuman sa mga kilalang tao ngayon ang mas dakila pa kay Juang tagapagbinyag, pero mas dakila sa kanya ang pinakamaliit sa kaha rian ng Langit. Mula sa pana hon ni Juan Bautista hanggang nga yon, ang kaha rian ng Langit ay kaila ngang agawin, at ang mga buo ang loob ang umaagaw nito. Pagpopropesiya nga lamang ang panahon ng Mga Pro peta at ng Batas hanggang kay Juan. At kung gusto ninyo itong tanggapin, si Juan ang Elias na darating. Makinig ang may tainga.
Pagninilay
Ipinagbubunyi ni Jesus si Juan na Tagapagbinyag. Kinikilala si Juan sa kanyang katuwiran at binigyan siya nang malaking karangalan ng mga tao. Ito’y kahit pa hindi niya inangkin ang ganitong karangalan. Hindi siya nagdalawang-isip na isantabi ang kanyang sarili upang si Jesus, ang Mesiyas, ay mabigyang karampatang karangalan. Ang mapagpakumbabang katangian ni Juan ay mas nararapat nating parangalan ngayon sa mundo, kung saan mas nagiging sukatan nang pagmamalaki sa sarili ang karangyaan sa buhay. Maraming mga tao ang nag-aagawan sa mga matataas na posisyon kahit ito’y nakakasira ng ugnayan sa kapwa-tao. Ang buhay ni Juan ay isang mensahe, lalo na para sa mga nanunungkulan, na mas pinaparangalan ng Panginoon ang naglilingkod nang may pagpapakumbaba. Sa hustisya ng Diyos, ang nagmamalaki sa kanilang sarili ay ibaba at ang mga mapagpapakumbaba ay itataas.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023




