Ebanghelyo: Lucas 2:22-40
Nang dumating na ang araw ng paglilinis nila ayon sa Batas ni Moises, dinala ang sanggol sa Jerusalem para iharap sa Panginoon – tulad ng nasu sulat sa Batas ng Panginoon: Lahat ng panganay na lalaki ay ituturing na banal para sa Panginoon. Dapat din silang mag-alay ng sakripisyo tulad ng binabanggit sa Batas ng Panginoon: isang pares na batubato o dalawang inakay na kalapati. Ngayon, sa Jerusalem ay may isang taong nagngangalang Simeon; totoong matuwid at makadiyos ang taong iyon. Hinihintay niya ang pagpapaginhawa ng Panginoon sa Israel at sumasakanya ang Espiritu Santo. Ipinaalam naman sa kanya ng Espi ritu Santo na hindi siya mamamatay hangga’t hindi niya naki kita ang Mesiyas ng Pangi noon. Kaya pumunta siya ngayon sa Templo sa pag tutulak ng Espiritu, nang dalhin ng mga magulang ang batang si Jesus para tu parin ang kaugaliang naa ayon sa Batas tungkol sa kanya. Kinalong siya ni Simeon sa kanyang mga braso at pinuri ang Diyos, at sinabi: “Mapayayaon mo na ang iyong utusan, Panginoon, nang may kapayapaan ayon na rin sa iyong wika; pagkat nakita na ng aking mga mata ang iyong pagliligtas na inihanda mo sa paningin ng lahat ng bansa, ang liwanag na ibubunyag mo sa mga bansang pagano at ang luwalhati ng iyong bayang Israel.” Nagtataka ang ama at ina ng bata sa mga sinasabi tungkol sa kanya. Pinag pala naman sila ni Simeon at sinabi kay Mariang ina ng bata: “Dahil sa kanya, ba bagsak o babangon ang mga Israelita at magiging tanda siya sa harap nila at ka nilang sasalungatin. Kaya mahaha yag ang lihim na pag-iisip ng mga tao. Ngu nit paglalagusan naman ng isang pun yal ang puso mo.” May isa ring babaeng propeta, si Ana na anak ni Panuel na mula sa tribu ng Aser. Matandang-matanda na siya. Pag kaalis sa bahay ng kanyang ama, pitong taon lamang silang nagsama ng kanyang asawa, at nagbuhay-biyuda na siya at hindi siya umaalis sa Templo. Araw-gabi siyang sumasamba sa Diyos sa pag-aayuno at pana nalangin. Walum pu’t apat na taon na siya. Sa pag-akyat niya sa sandaling iyon, nagpuri rin siya sa Diyos at nag pa hayag tungkol sa bata sa lahat ng naghihintay sa katubusan ng Jeru salem. Nang matupad na ang lahat ng ayon sa Batas ng Panginoon, umuwi sila sa kanilang bayan, sa Nazaret sa Galilea. Lumalaki at lumalakas ang bata; napus pos siya ng karunungan at sumasakanya ang kagandahang-loob ng Diyos.
Pagninilay
Sa huling araw sa taong 2023, ipinagdiriwang ang Kapistahan sa Banal na Pamilya ni Jesus, Maria, at Jose. Ating nakasanayan na sa pagtatapos ng taon at bisperas ng paparating na bagong taon, ang mga pamilya ay nagtitipon-tipon sa pagsasaya at pasasalamat sa Panginoon mula sa mga biyaya ng lumipas na taon at pananalangin sa magandang bagong taon. Kaya naman, magandang nasakto ang kapistahan ngayong araw bilang isang pamilya nang ating mapagnilayan ang banal na pamilya ni Jesus, Maria, at Jose. Bilang mga Hudyo, sinunod ni Jose at Maria ang batas na dalhin ang kanilang anak na si Jesus sa templo upang ihandog mula sa utos ng batas. Hindi lamang ito ang pagkakataon kung saan dinala nila ang batang Jesus sa templo. Sa pag-edad ni Jesus ng labindalawang taong gulang, dinala rin nila Siya sa templo ng Pangingilin at Pagpapatawad dahil tungkulin ito ng isang Hudyo noong kanilang panahon. Si Jesus ay lumaking marunong at pinagpala ng Diyos dahil sa mabuting pagpapalaki ni Jose at Maria. Huwaran sa pagiging banal sa bawat pamilyang Kristiyano. Tulad ni Jose at Maria, ang bawat magulang ay may tungkuling turuan at arugain ang kanilang anak upang lumaki at lumago sa pananampalataya. Para sa mga magulang, dapat na magbalik-tanaw kung mayroong mga kakulangan sa pagtupad sa kanilang tungkulin bilang ina o ama sa kanilang mga anak. Sa pagpasok natin sa bagong taon, pagsikapan natin ang pagpapalago sa ating pamilya at pananalig sa Panginoon. Gayundin naman, pagsumikapan natin ang pagiging banal sa bawat araw na darating ngayong bagong taon 2024.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023





