Ebanghelyo: Juan 14:7-14
Kung kilala ninyo ako, makikilala rin ninyo ang aking Ama. Ngunit ngayon, kilala n’yo na siya at nakita ninyo siya.”
Sinabi sa kanya ni Felipe: “Panginoon, ipakita mo na sa amin ang Ama at sapat na sa amin.” Sinabi sa kanya si Jesus: “Ang tagal na panahon n’yo akong kasama at hindi mo pa ako kilala, Felipe? Sa pagkakita sa akin ninuman, ang Ama ang nakikita niya. Paano mong masasabi: ‘Ituro mo sa amin ang Ama’?
Hindi ka ba naniniwalang nasa Ama ako at nasa akin ang Ama? Hindi mula sa sarili ko sinasabi ang mga salitang binibigkas ko. Sa akin nanunuluyan ang Ama, at siya ang gumagawa ng kanyang mga gawa. Maniwala kayo sa akin na nasa Ama ako at nasa akin ang Ama. Kung hindi dahil sa akin, maniwala kayo dahil man lamang sa mga gawa.
Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, magagawa rin ng nananalig sa akin ang gawang ginawa ko; at mas dakila pa kaysa mga ito ang gagawin niya. Sapagkat sa Ama ako papunta. Anumang hingin n’yo sa Panga lan ko’y gagawin ko upang luwalhatiin ang Ama sa Anak. At kung may hingin kayo sa akin sa Pangalan ko, gagawin ko.
Pagninilay
Patuloy ang pamamaalam ni Jesus sa kanyang mga alagad ngunit hindi pa rin nila Siya maunawaan. Matagal na silang kasakasama si Jesus. Nasaksihan nila ang kanyang buhay. Nakinig sila sa kanyang mga salita. Nakita nila ang mga ginawa niyang himala. Gayun pa man, di pa rin nila maunawaan na si Jesus at ang Ama ay iisa. Pinapakita nito na mababaw pa ang kanilang pananampalataya. Ang kanilang mga pagaalinlangan ang nagiging hadlang upang ma kita nila ang kilos ng Diyos Ama kay Jesus. Ang mababaw na pananampalataya ng mga alagad ay lumalalim sa pagpa patuloy nila sa misyon ng pa nga ngaral. Sa Gawa ng mga Apostol, nakita natin kung paa nong nakagawa ng ka manghamanghang bagay ang mga alagad sa ngalan ni Jesus. Maraming sumampalataya kay Jesus sa kabila ng mga pagsubok at banta sa misyon ng mga apostol at mga alagad. Ipagkatiwala natin ang misyon ng Simbahan sa pangalan ni Jesus. Mapapalalim ang mababaw nating pananampalataya sa patuloy na pagtitiwala sa Diyos. Sa kanya ang misyon ng Simbahan. Samakatuwid, ito ay tiyak na mananatili.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023




