Ebanghelyo: Marcos 11:11-26
Dumating si Jesus sa Jerusalem at pumasok sa Templo. Minasdan niya ang lahat at dahil magdadapithapon na, bumalik siya sa Betania kasama ng Labindalawa.
Kinaumagahan, paglabas nila sa Betania, nagutom siya. Nang mapansin niya sa malayo ang isang puno ng igos na may mga dahon, nilapitan niya iyon kung makakakita siya roon ng anu man. Ngunit paglapit niya, wala siyang natagpuang anuman kundi mga dahon lamang. Hindi nga panahon ng igos. Kaya sinabihan niya ang puno: “Wala nang bungang makakain mula sa iyo magpakailanman.” At narinig ito ng kan yang mga alagad.
Pagkarating ni Jesus sa Jerusalem, pumasok siya sa Templo at sinimulan niyang palayasin ang mga nagtitinda at bumibili sa patyo ng Templo. Itinaob niya ang mga mesa ng mga nagpapalit ng pera at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng mga kalapati. At hindi niya pinayagang dumaan sa Templo ang may dalang anumang bagay.
Tinuruan niya sila at sinabi: “Hindi ba nasusulat na, tatawaging bahayda langinan para sa lahat ng bansa ang aking bahay? Ngunit ginawa ninyo itong kuta ng mga magnanakaw.” Nabalitaan naman ito ng mga punong-pari at mga guro ng Batas at ha ngad nila siyang ilig pit. Takot nga sila sa kanya sapagkat namamangha ang lahat sa kanyang pag tuturo.
At nang hapon na, muli silang lumabas ng lunsod.
Pagbalik nila kinaumagahan, nakita nilang natuyo hanggang ugat ang punong-igos. Kaya naalaala ni Pedro ang tungkol dito at sinabi niya: “Guro, na tuyo ang isinumpa mong punong-igos.”
At nagsalita si Jesus sa kanila: “Sumampalataya kayo sa Diyos. Talagang sinasabi ko sa inyo: kung may magsasabi sa bundok na ito: ‘Tumayo ka’t itapon mo ang iyong sarili sa dagat!’ at wala siyang alinlangan kundi naniniwala siyang mang-yayari ang kanyang sinabi, mangyayari ito sa kanya. Kaya sinasabi ko sa inyo: anuman ang hingin ninyo sa panalangin, sumampalataya kayo na natanggap na ninyo at ta tanggapin ninyo.
At pagtindig ninyo sa pananalangin, magpatawad kayo kung mayroon kayong sama ng loob kaninuman; sa gayo’y patatawarin din kayo ng inyong Amang nasa langit sa inyong mga kasalanan.”
Pagninilay
Isang bahay-dalanginan para sa atin ang Simbahan. Ito ang lugar kung saan nagkakatipon ang pamayanang Kristiyano upang manalangin at mag-alay ng Banal na Misa. Ang pamayanang nagkakatipon ay larawan ng isang katawan, kung saan si Kristo ang ulo at tayo ang iba’t-ibang bahagi. Sa Eukaristiya, patuloy ang mapagligtas na gawa ng Diyos at pinababanal ang kanyang bayan. Pagsikapan nating maging banal sa pamamagitan ng pagtakwil sa mga bagay na makakadungis sa ating buhay gaya ng ginawang paglilinis ni Jesus sa Templo. Tayong mga kabahagi ng katawan ni Kristo ang buháy na Simbahan. Bilang Simbahan, misyon natin na dalhin palapit sa Panginoon ang ating mga kapatid at hindi maging hadlang sa mga nagnanais na makibahagi sa nakagagaling at mapagligtas na gawa ng Diyos sa mga sakramento, lalo’t higit sa Banal na Misa. Wika ni Papa Francisco, ang Simbahan ay tulad ng isang ospital kung saan pinagagaling ang may espirituwal na karamdaman.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023