As I write this letter, I remember clearly the first time I saw him, when we were in college: he was surrounded by light, his face was astonishing. I felt that his eyes were looking at me, and that very moment, I knew deep in my heart that he was mine, he was the one. We became friends and graduated from college as friends. After many years passed, in God’s time and in God’s will, we met again and I said to myself, I’m gonna get what is mine.
Having him as a boyfiend, feeling love, feeling sweet, feeling lucky but the trust was only 50%, always afraid to what would come next. But when we got married, the trust became 101% because the vows before God had become sacred for us. We promised each other that whatever happened, we always love each other; we would mean what we promised, and prove our vows to God. I thank God kasi binigay nya skin si Pio, my husband. Sya ang nagging way ko para mas makilala ko pa si God ng lubusan. Having Pio, words of God and some little conversation about “Pandesal” Gospel everyday, sinasapuso namin ito bilang “Guide” namin sa Family, workplace, friends and ofcourse sa araw – araw nming pamumuhay bilang mag–asawa. Di ko masasabing masaya o malungkot o mahirap ang buhay may asawa kasi it depends kung anong relationship meron kayong mag – partner, but one thing I assure you na “masaya” ang buhay may asawa kung si God ang center ng pag – mamahalan nyo. Ang sarap gumising sa umaga na makikita ko na katabi ko sya, ipag – luluto ko at i-kikiss and i-hu-hug ko para gisingin sya at sabay kaming mag-ppray at magpapasalamat kay God dahil sa mga biyayang narereceive namin araw-araw before kumain at before kami umalis ng bahay. Bago ksmi pumasok sa office, magbabasa muna kami ng gospel for the day at konting conversation about that, at aalis kami sa bahay na isasabuhay ang mga salita ng Diyos.
I love my husband with all my heart and forever will. We’re not perfect but we’re happy and satisfied with each other. Wala kming maraming pera, pero having God, nothing is impossible. Mayaman kami at yayaman pa ang spiritual naming mag-asawa at ang mga pangarap pa naming gustong ma-achieve sa buhay. We believe that God will provide for us at the right time.
-Jessa
Kami ay pinag-isa sa sakramento ng kasal noong ika-13 ng Abril 2013.
Kung tatanungin kami tungkol sa aming pagbabago bilang isang indibidwal na ngayon ay mag-asawa, napakarami naming maisasagot alin man sa aspeto ng pamumuhay, kaugalian, pananaw at iba pa.
Sa pagkakataon na magkakaroon ka ng kasama o partner habambuhay. Napagtanto namin na napakaraming pagkakapareho at pagkakaiba sa aming dalawa. Sa pagkakaiba, may mga pagkakataong kami ay nagkakaroon ng maliit na diskusyon, bagay na dapat pag-usapan upang kami ay magkasundo.
Sa bawat araw very exciting! Bakit nga ba naman hindi, everytime na gigising ako na katabi ko ang asawa ko, dama ko na sa araw na ito ay mae-experience ko na naman kung gaano niya ako kamahal. May madidiscover na naman kaming bago sa bawat isa. Masaya na mahandugan ka ng Diyos ng makakasama. Sa punto ngayon ng aming buhay masasabi ko na satisfied kami sa aming pagsasama.
Wala kaming experince na bongga, galante o mapapawow ka pero kahit ganun masasabi ko na ang pagsasama namin ay tunay at wagas higit sa lahat ang aming pagsasama ay masaya dahil ang sentro namin ay ang Diyos.
Sa kabila ng aming problema, sa paligid, pinansyal, at iba pa ay hawak kamay namin itong hinaharap kaakibat ang paghingi ng tulong sa Diyos. Pagdarasal at paglilingkod sa bawat isa. Ito ang aming sandata bilang Kristiyanong anak ng Diyos. Napaka-inam at dapat lamang na palalimin ang aming pananampalataya bilang mag-asawa, upang ang aming pundasyon ay maging matibay at hindi magigiba ninuman. Sa pagbububo ng aming sariling pamilya, tanging Diyos lamang ang aming makakapitan. Kaakibat nito ang aming respeto sa isat-isa, pagtitiwala, pagmamahal at pagtityaga na maabot ang aming pangarap sa HIRAP man o sa GINHAWA.
-Pio