Ebanghelyo: Juan 8:12-20
Kaya muling nangusap si Jesus sa kanila at nagwika: “Ako siyang liwanag ng mundo. Magkakaroon ng liwanag ng buhay ang sumusunod sa akin at hinding-hindi magpapalakad-lakad sa karimlan.”
Kaya sinabi sa kanya ng mga Pariseo: “Ikaw ang nag-papatunay sa iyong sarili. Hindi totoo ang patunay mo.”
Sumagot si Jesus sa kanila: “Kahit na nagpapatunay ako sa aking sarili, totoo ang patunay ko dahil alam ko kung saan ako galing at kung pasaan ako. Pero hindi n’yo alam kung saan ako galing at kung pasaan ako. Ayon sa laman kayo naghuhukom; hindi ko hinuhukuman ang sinuman. Kung humukom man ako, totoo ang paghuhukom ko dahil hindi ako nag-iisa, kundi ako at ang Amang nagpadala sa akin.
Nasusulat sa Batas ninyo na totoo ang patunay ng dalawang tao. Ako ang nagpapatunay sa aking sarili at nagpapatunay naman tungkol sa akin ang Amang nag-padala sa akin.”
Kaya sinabi nila sa kanya: “Nasaan ba ang Ama mo?” Sumagot si Jesus: “Ni ako o ang aking Ama ay hindi n’yo kilala. Kung kilala ninyo ako, kilala rin sana ninyo ang aking Ama.”
Sinabi niya ang mga pananalitang ito sa may Kabang-yaman sa pangaral niya sa Templo. At walang dumakip sa kanya dahil hindi pa sumasapit ang kanyang oras.
Pagninilay
“Kahit sa daang madilim, Panginoon ko’y kapiling.” Mabigat na pananagutan ang pagpapatotoo. Kadalasan, dangal at buhay ng isang tao ang nakataya. Karumaldumal ang eksena ng dalawang “matanda” sa Lumang Tipan na walang kisap-matang nag-sinungaling upang ipaghiganti ang kanilang kahalayang hindi napag-bigyan. At hindi hinayaan ng Diyos ng Katarungan na ang kabuktutan nila’y makalampas. Ginamit ang isang “musmos” upang palutangin ang katotohanan.
Ang sabi ni Jesus, “Ang sinumang sumusunod sa akin ay hindi magpa-palakad-lakad sa karimlan.” (Jn 8:12)
Karaniwan ang karanasang pa-ikot-ikot lamang na walang nara ra-ting at walang naisasagawa. Ito ang malinaw na bunga ng anumang pag lalakbay o pagsisikap na walang tahas na patutunguhan. Nasasabi nating tayo’y lumalakad sa dilim kapag hindi natin alam kung ano ang ating hahantungan. Ang mag-sisilbing liwanag ay ang alam natin at pinagpasyahang patutungu-han. Ang babaeng inipit sa maling paratang ay pinalaya ng matapang na paghamon sa kapangyarihan. Tanging katotohanan ang ipinang-laban.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022