Ebanghelyo: Juan 6:16-21
Nang magtakipsilim na, lumusong sa aplaya ang kanyang mga alagad, at pagkasakay sa bangka ay nag-pakabilang-ibayo ng dagat pa-Capernaum. Dumilim na at wala pa sa kanila si Jesus: at magalaw ang dagat sa malakas na ihip ng hangin.
Pagkasagwan nila nang may lima o anim na kilometro, napansin nilang naglalakad si Jesus sa dagat at palapit sa bangka. Nasindak sila. Ngunit sinabi niya sa kanila: “Ako siya; huwag kayong matakot.”
Nang isasakay na nila sa bangka, bigla namang nasa pampang na na pupuntahan nila ang bangka.
Pagninilay
“Ilalaan namin ang aming sarili sa panalangin at pangangaral ng Salita.” Gawa 6:4
Hindi nangangahuluganng dahil may mga nakatutok sa pagdarasal, maari nang hindi manalangin ang karamihan. Tulad ng kapitan ng isang barko o piloto ng isang erop-lano, nakatutok sila sa maayos na pag papatakbo ng sasakyan para sa kapanatagan ng mga pasahero. Dapat naman ding nakikiisa ang mga pasahero para sa ligtas na pag-lalakbay nilang lahat.
Sa isang komunidad o isang pamilya, may kani-kaniyang gam-panin upang ang bawat isa ay ma-katugon nang malaya at angkop sa natatangi niyang misyon sa buhay. Hindi lahat ay mag-aalala kung ano ang ihahain sa hapag. Maaring hu-miling o magmungkahi ang ibang myembro pero makalimot man sila, tiyak na may mag-aasikaso ng ka-kainin nila. Hindi rin lahat ay dapat naghahanap-buhay dahil hindi naman pera lang ang kailangan ng tao. Kung ang bawat isa sa pamilya ay abala na kumita para makaipon at umunlad, mas malamang sa hindi, ang magandang ugnayan naman nila ang napapabayaan.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022