Ebanghelyo: Mateo 13:47-53
Naihahambing din ang kaharian ng Langit sa isang malaking lambat na inihagis sa dagat at nakahuli ng kung anuano. Nang puno na ang lambat, hinila ito papunta sa pampang. At saka naupo ang mga tao at tinipon ang mabubuting isda sa mga timba at itinapon ang mga walang kuwenta. Ganito ang mangyayari sa katapusan ng mundo. Lalabas ang mga anghel para ihiwalay ang masasama sa mabubuti; at itatapon sila sa nagliliyab na pugon kung saan may iyakan at pagnga ngalit ng mga ngipin.” At itinanong ni Jesus: “Nauunawaan ba ninyo ang lahat ng ito?” “Oo,” ang sagot nila. Kaya sinabi niya sa kanila: “Kaya bawat guro ng Batas na tinuruan tungkol sa Kaharian ay katulad ng isang ama ng tahanan na may tabihan, at laging may bago at luma sa tuwing kukuha siya.” Nang matapos ni Jesus ang mga talinhagang ito, umalis siya sa lugar na iyon.
Pagninilay
Ang lambat na inihagis sa laot ay walang isdang pinipili. Ang lahat ng pumasok dito ay hihilahin patungo sa sasakyan ng mandaragat at kapag dumaong sa tabingdagat, doon gagawin ang pagpili sa mga maaaring pakinabangan. Ang ating buhay Kristiyano ay maihahalintulad sa isang sasak yan kung saan ang lahat ay ti nawag na sumakay at walang pinipili. Ngunit sa ating huling paglalakbay, ang lahat ay huhukuman at pipiliin kung sinong nararapat. Habang nagpapatuloy pa tayo sa ating paglalakbay sa mundo, pagsumikapan na ting maging karapatdapat na piliin sa araw ng paghuhukom. Ating pakinabangan ang pagkakataong ibinigay sa atin ng Panginoon na magbago tungo sa kabanalan upang mapalapit tayo sa puso ni Jesus at sa huli ang Mahabaging Tagapagkuhom ay piliin tayong maki bahagi sa kanyang kadakilaan.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023