Ebanghelyo: Mateo 19:23-30
At sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Tala gang sinasabi ko sa inyo: mahirap makapasok ang mayaman sa kaharian ng Langit. Oo, maniwala kayo, mas madali pa para sa kamelyo ang lumusot sa butas ng karayom kaysa pumasok ang isang mayaman sa kaha rian ng Langit.” Nang marinig ito ng mga alagad, namangha sila at sinabing “Kung gayon, sino ang maliligtas?” Tinitigan sila ni Jesus at sumagot: “Imposible ito para sa tao; pero para sa Diyos, lahat ay posible.” Nagsalita si Pedro at sinabi: “Iniwan namin ang lahat para sumunod sa iyo: ano naman ang para sa amin?” Sumagot si Jesus: “Talagang sinasabi ko sa inyong mga sumunod sa akin: sa Araw ng Pagbabago, pag upo ng Anak ng Tao sa kanyang trono nang buong luwalhati, uupo rin kayo sa labindalawang trono para maghari sa labindala wang tribu ng Israel. At ang magiwan ng mga tahanan, mga kapatid, ama at ina, mga anak o mga bukid alangalang sa ngalan ko, tatanggap siya ng sandaang beses at makakamit ang buhay na walang hanggan. May mga una ngayon na mahuhuli at may mga huli naman na mauuna.
Pagninilay
Kada taon, lumalabas sa mga balita ng telebisyon o dyaryo ang listahan ng mga pinakamayamang tao sa mundo at sa bansa. Makikita ang lawak ng kanilang mga ariarian sa listahang ito. Mapapatanong tayo, napapakinabangan kaya nila ang kanilang bilyones habang nandito pa sila sa mundo? Makakapagsabi tayo na hindi rin siguro nila mauubos itong lahat habang sila’y buhay pa at hindi rin ito madadala kapag namatay na. Hindi masama ang ma ging mayaman o may kaya sa buhay. Ang tanong, paano ba nakamit ang mga yaman at paano ito ginamit? Makatarungan ba ang pamamaraan sa pagangkin nito at ginamit sa kabutihan? Magiging madali ang pagpasok sa kaharian ng langit kung alam nating ibahagi ang ating mga yaman sa mga nangangailangan. Sa bawat pagbabahagi, nakakaipon din tayo ng yaman sa langit at nagiging malawak ang pintuan sa langit para sa atin.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023