Ebanghelyo: Mateo 20:1-16
Tungkol sa nangyayari sa kaharian ng Langit ang kuwentong ito. Maagang lu ma bas ang isang mayari para umupa ng mga mang ga gawa sa ubasan. Nakipag kasundo siya na tatang gap ang mga mangga gawa ng isang bar yang pilak isang araw, at pina punta na niya sila sa ubasan. Lumabas din siya nang magiika siyam ng uma ga at nakita niya ang ibang mga nakatayo sa plasa na walang gina gawa. Kaya sinabi niya sa kanila: ‘Pu mun ta rin kayo sa aking ubasan at bibig yan ko kayo ng nara rapat.’ At pumunta sila. Muli siyang lumabas kinatanghalian at nang magiikatlo ng hapon at gayun din ang ginawa niya. Lumabas din siya sa huling oras ng paggawa at nakita niya ang iba pang nakatayo lamang. Kaya sinabi niya sa kanila: ‘Bakit kayo nakatayo lang at maghapong walang ginagawa?’ Sumagot sila: ‘Dahil walang umupa sa amin.’ Sinabi niya: ‘Pumunta kayo at magtrabaho sa aking ubasan.’ Paglubog ng araw, sinabi ng mayari ng ubasan sa kanyang tagapamahala: ‘Tawagin ang mga mang gagawa at baya ran sila, mula sa huli hanggang sa una.’ Kaya lumapit ang mga duma ting sa huling oras at binigyan sila ng tigisang denaryo (isang bar yang pilak). Nang lumapit naman ang mga nauna, akala nila’y tatanggap sila ng higit pa. Ngunit tumanggap din sila ng tigisang denaryo. aya pagka tang gap nila nito, nagsimula silang magreklamo sa mayari. Ang sabi nila: ‘Isang oras lamang ang trabaho ng mga huling ito, at ipina pantay mo sila ngayon sa amin na mag hapong nagtrabaho sa init ng araw.’Kaya sina got ng mayari ang isa sa kanila: ‘Ka ibi gan, hindi ko kinu kuha ang sa iyo. Di ba’t nag kasundo tayo sa isang denaryo isang araw? Kaya tang gapin mo ang sa iyo at umalis ka na. Gusto ko ring bigyan ang nahuli gaya ng ibinigay ko sa iyo. Wala ba akong karapatang gawin ang gusto ko sa pera ko? Bakit ka naiinggit dahil maawain ako?’ Kaya mauuna nga ang huli, at mahu huli ang una.”
Pagninilay
Ang inggit ay nagpapakita nang kawalang sapat na ligaya sa mga biyayang natanggap sa Diyos. Sa inggit, hindi natin napapansin o hindi na mabigyang halaga ang ating mga biyaya. Nagiging sukatan tuloy ang ibang tao na ating kinaiinggitan. Ang lahat ng biyaya ay nagmumula sa Diyos. Hindi dapat na magreklamo kung ano ang ating matatanggap. Matuto tayong mapagpasalamat. Ang pagpapasalamat ay kinakailangang ipakita sa pagpapalago sa mga biyayang natamo at pagbabahagi nito upang mamunga nang marami. Ngayon ay ginugunita natin si Santa Rose de Lima. Isang madre na nagpalago sa kanyang mga biyaya nang ialay niya ang kanyang sarili sa paglilingkod sa mga may sakit at pagtulong sa mga mahihirap. Dahil dito, nagbukas ang pintuan sa langit para sa kanya at siya’y naging Banal na Patron sa Timog America.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023