Ebanghelyo: Lucas 10:21-24
Nang sandaling iyo’y nag-umapaw sa galak sa Espiritu Santo si Jesus at sinabi niya: “Pinupuri kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, dahil inilihim mo ang mga bagay na ito sa marurunong at matatalino, at ipinamulat mo naman sa maliliit. Oo, Ama, naging kalugud-lugod ito sa iyo. Ipinagkatiwala sa akin ng aking Ama ang lahat. Walang nakaka kilala kung sino ang Anak kundi ang Ama, at kung sino ang Ama kundi ang Anak at ang sinumang gustuhing pagbunyagan ng Anak.” Pagkatapos ay bumaling si Jesus sa mga alagad at sinabi sa kanila nang sari linan: “Mapalad ang mga matang nakakakita ng inyong nakikita. Sinasabi ko sa inyo na maraming propeta at hari ang nagnais makita ang inyong nakikita pero hindi nila nakita, at ma rinig ang inyong naririnig pero hindi nila narinig.”
Pagninilay
Ang isang batang puno sa pag-ibig ng kanyang magulang ay masayahin at may malinaw na pananaw sa buhay. Ipinagmamalaki niya ang kanyang magulang sa harapan ng ibang tao dahil sa mabuting pagpapalaki sa kanya. Ganito rin ang naramdaman ni Jesus sapagkat napupuno Siya sa Espiritu at pag-ibig ng Diyos Amang nagkaloob ng lahat sa kanya. Sa kanilang malapit na ugnayan sa isa’t-isa, ang lahat ay ipinagkaloob ng Diyos Ama kay Jesus. Mula sa binyag, tayo’y naging mga anak na iniligtas ng Diyos Ama sa pamamagitan ni Jesus. Pagsumikapan natin ang maging malapit sa Diyos Ama tulad ni Jesus upang mapuno rin tayo sa ligaya at sa Espiritu Santong magdadala sa paglilingkod natin sa iba.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023