Ebanghelyo: Mateo 11:28-30
Lumapit sa akin, lahat kayong nahi hirapan at may pinapasan, at pagi gin hawahin ko kayo. Kunin ninyo ang aking pamatok at matuto sa akin, akong mahinahon at ma babangloob, at maka ka tagpo kayo ng ginhawa para sa inyong kaluluwa. Sapagkat mahu say ang aking pamatok at magaan ang aking pasanin.”
Pagninilay
Sa Judaismo, ang pamatok ay sagisag ng batas. Karamihan sa mga batas na ipinapatupad ng mga pariseo at mga tagapagturo ng Batas ay nagdudulot pabigat sa buhay ng tao. Nabibigyan ng mas malaking halaga ang pagsunod sa bawat batas imbes na pagtanaw sa kabutihan ng tao. Kaya nga sinasalungat ni Jesus ang mga ito. Maging ang paggawa ng mabuti tulad ng pagpapagaling sa mga may sakit sa Araw ng Pamamahinga ay kanilang ipinagbabawal. Ang lahat nang nakasulat sa batas ay binubuod ni Jesus sa isang salita lamang “pag-ibig”. Ito ang sukatan sa paggawa ng nararapat. Winika ni Frank Iero, “Mahalin mo ang iyong ginagawa at kung sino ka mismo. Hanggang kamatayan ang dahilang ito. Kung tunay ka sa iyong sarili, hindi ka nagkakamali.” Dahil umiibig si Jesus, hindi mahirap para sa kanya ang magbuwis ng buhay para sa iba. Hindi mabigat para sa kanya ang pag-aalay ng sarili. Siya’y nagmamahal at walang ibang dahilan … pag-ibig.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023




