Ebanghelyo: Mateo 11:16-19
Ngayon, kanino ko ikukumpara ang mga tao sa kasalukuyan? Para silang mga batang nakaupo sa mga plasa at nagka kantahan, at nagrereklamo ang ilan sa kanila: ‘Tinugtog namin ang plauta para sa inyo pero ayaw ninyong sumayaw, at nang uma wit naman kami ng malungkot na awit, ayaw din nin yong umiyak!’ Ganito rin ang nangyari: Duma ting muna si Juan na nagaayuno, at sabi ng mga tao: ‘Inaalihan siya ng demon yo.’ At saka dumating ang Anak ng Tao na kumakain at umiinom, at ang sabi ng mga tao: ‘Laseng go at mata kaw, ka ibigan ng mga publikano at mga makasalanan!’ Gayon pa man, mapatutu nayang tama ang karunu ngan ng Diyos sa mga gawa nito.”
Pagninilay
“Sala sa init, sala sa lamig.” Ipinagbunyi ni Juan na Tagapabinyag ang mensahe ng pagbabalik-loob sa pamamaraan ng pag-aayuno at pagsasakripisyo. Gayunpaman, sinumbatan siya ng mga tao. Ipinagbunyi ni Jesus ang mensahe sa kapatawaran at habag ng Diyos sa kan yang pakikisalamuha sa mga makasalanan. Dahil dito, sinum batan Siya ng mga pariseo at tagapagturo ng Batas. Hanggang ngayon, marami pa ring mga “sala sa init at sala sa lamig.” Ganito ang katangian ng mga taong mahilig manumbat. Kahit nalalamang tama ang isang bagay, hahanapan pa rin ang kamalian sa iba upang mayroong maisumbat lamang. Sa katunayan, ganito ang ugali ng mga taong nais takpan ang kanilang sariling kamalian. Tandaan, kilala tayong lahat ng Panginoon. Walang pakinabang ang pagtanggi sa katotohanan batay sa ating sarili. Mas magi ging makabuluhan ang buhay kung alam nating tanggapin ang ating sarili at iba. Sa ating pag tanggap, magsisimula ang pagbabago sa ating sarili.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023





