Ebanghelyo: Mateo 17:9a, 10-13
At sa pagbaba nila mula sa bundok, inutusan sila ni Jesus na huwag sabihin kani numan ang pangitain hanggang ma ibangon ang Anak ng Tao mula sa mga patay.” Tinanong naman siya ng mga alagad: “Bakit sinasabi ng mga guro ng Batas na dapat munang pumarito si Elias?” At sumagot si Jesus: “Dapat nga munang dumating si Elias para ayusin ang lahat ng bagay. Ngunit sinasabi ko sa inyo na dumating na si Elias pero hindi nila siya nakilala, at pinakitunguhan nila siya ayon sa kanilang kagustuhan. At sa gayon ding paraan magdurusa ang Anak ng Tao sa kamay nila.” At naunawaan ng mga alagad na si Juan Bautista ang tinutukoy ni Jesus.
Pagninilay
Ipinadala si Elias ngunit hindi kinilala nang mga tao. Tulad ng ibang propeta, nagdusa si Elias sa kamay ng mga tao. Ganito rin ang nangyari kay Juan na Tagapagbinyag dahil sa kanyang pananatili sa katotohanan. Si Jesus ay nagpakasakit at nag-alay ng buhay sapagkat tinalikdan ng sanlibutan ang kanyang mensahe. Hanggang ngayon, marami pa rin ang nagdurusa at namamatay dahil sa pagbibingi-bingihan at pagtalikod ng tao sa mga dukha at nanga ngailangan. Kung ano ang ginawa kay Jesus, ganoon din ang ginagawa sa mga higit na nangangailangan. Maraming tao ang nananatiling dukha at namamatay sa mahirap na kalagayan dahil walang nakikinig at tumatanggap sa kanila. Ngayong araw, nagsisimula na ang Misa de Gallo. Tinututukan ang pagninilay sa pagdiriwang ng araw ng kapanganakan ng Mesiyas. Tayo’y humingi ng biyaya na mabuksan ang atin g mga tenga upang marinig ang mga tinig ng mga kapatid natin na lubos na nanga ngailangan. Anuman ang ating ginagawa sa kanila ay ginagawa rin natin sa batang Jesus na isinilang sa isang payak na sabsaban.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023





