Ebanghelyo: Lucas 1:46-56
At sinabi ni Maria: “Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas dahil isinaalang-alang niya ang abang utusan niya, at mula ngayon, ituturing akong mapalad ng lahat ng salinlahi. Dakila nga ang ginawa sa akin ng Makapangyarihan, banal ang kanyang Pangalan. Patuloy ang kanyang awa sa mga sali’t salinlahi para sa mga may pitagan sa kanya. Ipinakita niya ang lakas ng kanyang bisig, ipinagtabuyan ang mga taong may mapagmataas na balak. Pinatalsik niya sa luklukan ang mga makapangyarihan, itinampok naman ang mga bale-wala. Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom at itinaboy namang walang-wala ang mayayaman. Nilingap niya ang Israel na kanyang lingkod, inalaala ang kanyang awa ayon sa ipinangako niya sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kanyang angkan magpakailanman.” Mga tatlong buwang nanatili si Mariang kasama ni Elizabeth
at saka nagbalik sa kanyang bahay.
Pagninilay
“Pagbibigay-puri sa Diyos.” Bilib ka ba sa sarili mo? Na-appreciate mo ba ang mga ginagawa mo? Mandalas ito ang problem ng mga tao hindi tayo marunong magpahalaga at hindi tayo marunong makuntento kung sino tayo at kung ano meron tayo. Kaya kung hindi natin kanyang big yang halaga ang ating sarili paano natin bibigyang halaga ang ating kapwa? Napakinggan natin sa Ebanghelyo ang Magnificat ni Maria, ang awit ng pagpupuri ng Mahal na Ina sa Panginoon. Punong-puno ito ng pagbibigay ng halaga sa Panginoon. Nakuha niyang magbigay ng papuri sa Diyos dahil pinapahalagahan nya ito. Nakikita niya ang kagandahang ginagawa ng Diyos sa Kanyang sarili at sa iba. At kinikilala nya na nag dahilan ng lahat ng kagandahang ito ay dahil sa kabutihan ng Diyos sa kanya. Nakakapagbigay-puri ba tayo sa Diyos tulad ng pagbibigay-puri ng ating Inang Maria? Ngayong kapaskuhan, magbigay puri nawa tayo sa Diyos dahil sa mga biyayang ibingay nya sa atin. Nawa’y magpasalamat tayo sa kanya ng walang humpay at magagawa natin ito kung nakikita at kinikilala natin ang mga kalooban ng Diyos sa atin.
© Copyright Pang Araw-araw 2025




