Ebanghelyo: Lucas 2:22-35
Nang dumating na ang araw ng paglilinis nila ayon sa Batas ni Moises, dinala ang sanggol sa Jerusalem para iharap sa Panginoon – tulad ng nasu sulat sa Batas ng Panginoon: Lahat ng panganay na lalaki ay ituturing na banal para sa Panginoon. Dapat din silang mag-alay ng sakripisyo tulad ng binabanggit sa Batas ng Panginoon: isang pares na batubato o dalawang inakay na kalapati. Ngayon, sa Jerusalem ay may isang taong nagngangalang Simeon; totoong matuwid at makadiyos ang taong iyon. Hinihintay niya ang pagpapaginhawa ng Panginoon sa Israel at sumasakanya ang Espiritu Santo. Ipinaalam naman sa kanya ng Espi ritu Santo na hindi siya mamamatay hangga’t hindi niya nakikita ang Mesiyas ng Pangi noon. Kaya pumunta siya ngayon sa Templo sa pag tutulak ng Espiritu, nang dalhin ng mga magulang ang batang si Jesus para tu parin ang kaugaliang naa ayon sa Batas tungkol sa kanya. Kinalong siya ni Simeon sa kanyang mga braso at pinuri ang Diyos, at sinabi: “Mapayayaon mo na ang iyong utusan, Panginoon, nang may kapayapaan ayon na rin sa iyong wika; pagkat nakita na ng aking mga mata ang iyong pagliligtas na inihanda mo sa paningin ng lahat ng bansa, ang liwanag na ibubunyag mo sa mga bansang pagano at ang luwalhati ng iyong bayang Israel.” Nagtataka ang ama at ina ng bata sa mga sinasabi tungkol sa kanya. Pinag pala naman sila ni Simeon at sinabi kay Mariang ina ng bata: “Dahil sa kanya, ba bagsak o babangon ang mga Israelita at magiging tanda siya sa harap nila at kanilang sasalungatin. Kaya mahaha yag ang lihim na pag-iisip ng mga tao. Ngunit paglalagusan naman ng isang punyal ang puso mo.”
Pagninilay
Nakilala talaga ni Simeon ang batang kanyang hini hintay dahil ipinag bunyi ito ng Espiritu Santo, na hindi siya papanaw sa mundo hang gang matunghayan niya ang Kristong isinugo ng Pangi noon. Isinasalarawan ni Simeon ang Israel na matagal nang naghihintay sa katuparan sa pangakong Mesiyas. Dahil naganap na ito, umawit si Simeon na siya’y handa nang pumanaw ng mapayapa. Ang salita ng Panginoon ay naganap na at kanyang natunghayan ang kaligtasan. Si Simeon ay tanda ng isang pusong nagagalak at umaasa sa Panginoon. Wala siyang ibang nais kundi ang matunghayan ang mukha ni Jesus. Tinuturuan tayo ni Simeon na kung nais nating lumisan sa mundo na mapayapa, kinakailangan na wala tayong ibang naisin kundi ang matunghayan ang Panginoon. Ang makamundong yaman ay lumilipas at hindi nananatili sa mundo. Loobin natin na manahan ang Panginoon sa puso natin.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023