Ebanghelyo: Lucas 2:36-40
May isa ring babaeng propeta, si Ana na anak ni Panuel na mula sa tribu ng Aser. Matandang-matanda na siya. Pagka alis sa bahay ng kanyang ama, pitong taon lamang silang nagsama ng kanyang asawa, at nagbuhay-biyuda na siya at hindi siya umaalis sa Templo. Araw-gabi siyang sumasamba sa Diyos sa pag-aayuno at pana nalangin. Wa lum pu’t apat na taon na siya. Sa pag-akyat niya sa sandaling iyon, nagpuri rin siya sa Diyos at nag pa hayag tungkol sa bata sa lahat ng naghihintay sa katubusan ng Jeru salem. Nang matupad na ang lahat ng ayon sa Batas ng Pa nginoon, umuwi sila sa kanilang bayan, sa Nazaret sa Galilea. Lumalaki at lumalakas ang bata; napus pos siya ng karunungan at sumasakanya ang kagandahang-loob ng Diyos.
Pagninilay
Tulad ni Simeon, si Anna ay nanatili sa pananalangin at pag-aayuno sa templo upang matunghayan niya ang katuparan sa pangakong sanggol para sa kaligtasan ng Jerusalem. Sa ating simbahan, kadalasan ay mayroong mga matatandang parating nariyan para magsimba at manalangin. Matapos ang kanilang mahabang panahon sa pananatili sa mundo, sa mga pagsusumikap upang lumago sila at sa kanilang mga pamilya, ang mga huling panahon sa kanilang buhay ay inihahandog sa Panginoon. Nagpapakita ito na sa sa huli, ang buhay natin ay hahantong sa paglalaan at pagsusumamo na sa Panginoon lang ang ating pag-asa. Hindi na sana natin hintayin ang kaganapan na sa Panginoon lang din tayo babalik kapag tayo ay tumanda na. Simulan natin ngayon mismo na ihandog ang buhay natin sa Panginoon. Tulad ni Anna, bigyan natin ng panahon ang pananalangin at mga makaDiyos na gawa upang ating matuklasan ang Panginoon kahit nasaan man tayo at anuman ang ating ginagawa.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023