Ebanghelyo: Lucas 2:41-52
Pumupunta taun-taon sa Jerusalem ang mga magulang ni Jesus para sa Piyesta ng Paskuwa. Kata’y nang maglabindalawang taon na siya, umahon sila tulad ng nakaugalian para sa pagdiri wang. Subalit nang umuwi na sila pagkakatapos ng mga araw ng piyesta, naiwan sa Jerusalem ang batang Jesus nang hindi namamalayan ng Kanyang mga magulang.
Sa pag-aakalang kasama Siya ng iba pang mga kasamahan, maghapon silang nakipaglak bay at noon nila hinanap ang bata sa mga kamaganakan nila’t mga kakilala. Nang hindi nila Siya matagpuan, bumalik sila sa Jeru salem sa paghahanap sa Kanya. At sa ikatlong araw, natag puan nula Siya sa Templo, nakaupong kasama ng mga guro at nakikinig at nagtatanong sa kanila. At na mangha sa Kanyang talino at mga sagot ang mga nakarinig sa Kanya.
Nagulat ang Kanyang mga magulang pagka- kita sa Kanya, at sinabi sa Kanya ng Kanyang ina: “Anak, bakit mo naman it ginawa sa amin? Nagdusa nga ang iyong ama at ako habang hinahanap ka naming.” Ngunit sinabi Niya sa kanila: “At bakit ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo alam na dapat ay nasa bahay ako ng aking Ama?” Pero hindi nila naintindihan ang sinabi Niya sa kanila.
Kaya bumaba siyang kasama nila pa-Nazaret, at patuloy Siya sa pagiging masunurin sa kanila. Iningatan naman ng Kanyang ina ang lahat ng ito sa Kanyang Puso.
At umunlad si Jesus sa karunungan at edad at kagandahang-loob sa paningin ng Diyos at ng mga tao.
Pagninilay
Ngayon ay dakilang kapista-han ng Panginoong Jesus, ang Banal na Sanggol. Ang kapis ta han na ito ay natatanging kapistahan sa ating mga Pilipino. Ang Ebanghelyo ay patungkol sa pagkaiwan ni Jesus sa templo pag-ka tapos ng Piyesta ng Paskuwa. Pagk atapos ng paghahanap ng tatlong araw, nadatnan ni Maria at Jose si Jesus sa templo. Sa kanilang pagkabalisa, tinanong nila siya kung bakit niya ito nagawa sa kanila. Pero hindi nila naintindihan ang kanyang sagot.
Ang mga magulang ni Jesus na pinakamalapit sa buhay niya, ay hindi siya naiitindihan. Isang impor-tanteng paalala sa atin bilang mga disipulo ni Kristo. Ang ating pana-nampalataya ay hindi isang bagay na lubos nating maiintindihan. Hindi dahil tayo’y nakatanggap na ng mga sakramento o tinanggap na natin si Jesus bilang ating tagapagligtas, ay madali na natin siyang maunawaan siya. Ang pananampalataya kay Jesus ay isang proseso na dapat nating pangalagaan. Kaya kung minsan, may mga karanasan tayo sa buhay pananampalataya na hindi natin naiintindihan, tingnan lang natin si Maria at Jose. Sila rin nga ay nahirapan sa pag-intindi sa kanya. Ngunit sa pamamagitan ng kanilang pagsunod sa kanya, naintindihan rin nila ito pagdating ng panahon. Kaya naman ang imbitasyon sa atin ay patuloy na tumahak sa landas ni Jesus, kahit na ito’y mahirap, kahit hindi natin naiintindihan. Huwag tayong bumitaw agad dahil nagu-gulumihanan na tayo sa kung ano man ang kanyang gustong ipabatid sa atin. Hindi na man yaon ang gaga-wing panukat sa ating pagpasok sa langit. Sa kahulihulihan ang ating pa-giging matiyaga at pagmamahal sa kapwa ang siyang tunay na sukatan bilang mga disipulo ni Kristo.
“At bakit ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo alam na dapat ay nasa bahay ako ng aking Ama?”
© Copyright Pang Araw-Araw 2022