Ebanghelyo: Marcos 3:20-21
Pagkauwi ni Jesus, nagsidating ang mga tao kayat hindi na sila nakakain. Nang mabalitaan ito ng kanyang mga kamag-anak, lumabas sila para hulihin siya. Sinasabi nga nilang “Nababaliw siya.”
Pagninilay
Hindi na kumakain sa oras. Lagi na lang nakikipag-usap o na-papagaling ng mga tao. Wala ng panahon sa sarili. Ito ang mga gi-nagawa ni Jesus sa Ebanghelyo natin ngayon. Puro na lang pagbibigay ng sarili. Kaya naman napagpasyahan ng kanyang mga kamag-anak na wala na siya sa kan yang isip. Sa isa pang bahagi ng Ebanghelyo, maging ang kanyang ina ay alalang-alala sa kanya. Kaya nga pilit nila siyang pauwiin, hulihin pa nga sabi ng Ebanghelyo.
Masakit isipin na ang mga taong malapit sa kanya at pinakamamahal niya ay hindi nakakaintindi sa kanya. Sa lahat ng tao! Napagkamalan pa nila siyang baliw. Isang karanasan na pamilyar sa Panginoon. Buong buhay niya, hindi siya lubos na naiintindi-han, ng kanyang mga magulang at maging ng kanyang mga alagad.
Ngunit tayo rin ay may mga pana -hon na hindi natin naiintindihan ang Panginoon. Nalululong tayo sa mga gawi ng mundo, kaya tinitingnan natin si Jesus na kakaiba. Maganda, tama at totoo ang kanyang mga si-nasabi, ngunit parang hindi akma sa panahon natin. Totoo kaya ito, o gaya ba ng mga kamag-anak niya, hindi natin siya talaga naiintindihan, kaya hindi natin tinatanggap?
© Copyright Pang Araw-Araw 2022