Ebanghelyo: Juan 20:24-29
Hindi nila kasama si Tomas na tinaguriang Kambal, na isa sa Labindalawa, nang dumating si Jesus. Kaya sinabi sa kanya ng iba pang mga alagad: “Nakita namin ang Panginoon!” Sinabi naman niya: “Maliban lamang na makita sa kanyang mga kamay ang tatak ng mga pako at maipasok ang aking daliri sa pinaglagusan ng mga pako at maipasok ang aking kamay sa tagiliran niya, hinding-hindi ako manini wala!” Makaraan ang walong araw, muling nasa loob ang kanyang mga alagad at kasama nila si Tomas. Dumating si Jesus habang nakasara ang mga pinto at pumagitna. At sinabi niya: “Kapayapaan sa inyo!” At sinabi niya kay Tomas: “Ilapit mo rito ang daliri mo at tingnan ang aking mga kamay. At ilapit ang kamay mo at ipasok sa aking tagiliran at huwag tumangging maniwala kundi maniwala!” Sumagot si Tomas sa kanya: “Panginoon ko at Diyos ko – ikaw!” Sinabi sa kanya ni Jesus: “Dahil ba sa nakita mo ako kaya ka naniniwala? Mapapalad ang mga hindi nakakita at naniniwala.”
Pagninilay
Bilang isang matalik na kaibigan ni Jesus, hindi madali para sa isang alagad na maunawaan at tanggapin ang kanyang pagpapakasakit at pagkamatay. Mabigat ito sa puso ni Tomas na matagal nakapiling at naging kaibigan ni Jesus. Kaya naman, hindi rin madali na tanggapin ang balita na siya’y muling nabuhay. Nararapat lamang na mag hanap siya ng patunay na muling nabuhay si Jesus sa pamamagitan nang paghipo sa kanyang mga tinamong sugat mula sa pagkapako sa krus at sinibat na tagiliran. Batid ni Jesus ang nais ni Tomas. Sa kani lang pagki kitang muli, ipina hipo ni Jesus sa kanya ang Kanyang mga sugat. Ito rin ang nais ni Jesus, na manalig at makita ang kanyang mga sugat. Sa pagtanggap natin sa sugatan at binabaha ging katawan ni Jesus sa Banal na Pakikinabang, nawa’y maging tinapay din tayo na ibinabahagi sa iba ang ating sarili sa pamamagitang ng paglilingkod at pagtulong sa kapwa.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023





