Ebanghelyo: Mateo 9:14-17
Noo’y lumapit sa kanya ang mga alagad ni Juan at nagtanong: “May araw ng ayuno kami at ang mga Pari seo, at wala bang pag-aayuno ang iyong mga alagad?” Sinagot sila ni Jesus: “Puwede bang magluksa ang mga abay sa kasalan habang kasama pa nila ang nobyo? Darating ang panahon na aagawin sa kanila ang nobyo at sa araw na iyon sila mag-aayuno. Walang magtatagpi ng bagong pirasong tela sa lumang balabal sapagkat uurong ang tagpi at lalo pang lalaki ang punit. At hindi ka rin naman maglalagay ng bagong alak sa mga lumang sisidlan. Kung gagawin mo ito, puputok ang mga sisidlan at matatapon ang alak at masisira rin ang mga sisidlan. Sa bagong sisidlan dapat ilagay ang bagong alak; sa gayo’y pareho silang tatagal.”
Pagninilay
Isa sa mga humahadlang sa pagbabago at katiwasayan ng Simbahan ay ang pagtanggi na iwanan ang mga nakasanayang pananaw, sistema at mga pamamaraan sa buhay. Kaya nga kung mayroong mga pagbabago sa Simbahan, mayroong iilang kasapi nito ang nagpapakita ng pagtanggi o walang pakialam. Mahirap talaga na iwan ang mga nakasanayaan dahil naging komportable na tayo sa mga ito at hindi na natin nais magsikap upang magbago. Hindi tayo maaaring umasa sa bagong resulta kung walang pagbabago sa ating mga pamamaraan. Katulad sa ating mga sarili, natatakot tayo na iwan ang mga nakasanayan na gawi at kalakip nito ang mga kasalanan na ating nakasana yang gawin. Sa binyag, natanggap natin ang bagong buhay mula kay Kristo. Sa tulong ni Jesus, ang pagbabago sa pamayanan at sa Simabahan ay magsisimula sa bawat isa sa atin.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023





