Ebanghelyo: Mateo 11:25-30
Nagsalita si Jesus sa pagkakataong iyon: “Pinupuri kita Amang Panginoon ng Langit at lupa, sapagkat itinago mo ang mga bagay na ito sa matatalino at marurunong, at ipina mulat mo naman sa mga karaniwang tao. Oo, Ama, ito ang ikinasiya mo. Ipinagkatiwala sa akin ng aking Ama ang lahat. Wa lang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at wa lang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang sinu mang gustuhing pagbunyagan ng Anak. Lumapit sa akin, lahat kayong nahihirapan at may pinapa san, at pagiginhawahin ko kayo. Kunin ninyo ang aking pamatok at matuto sa akin, akong mahinahon at mababang-loob, at makakatagpo kayo ng ginhawa para sa inyong kaluluwa. Sapagkat mahusay ang aking pamatok at magaan ang aking pasanin.”
Pagninilay
Maganda at malaking bahay, mamahaling mga sasakyan, maraming mga utusan at mga alipores, at palagiang prayoridad na hindi kinakailangang pumila at maghintay. Ito ang larawan ng kapangyarihan sa Pilipinas na nakikita natin sa mga pulitiko na pinapakilala bilang mga mapagpakumbabang tagapaglingkod sa panahon ng eleksyon. Sila itong mga mas komportable ang upuan sa kanilang sasakyan kumpara sa mga tao na kanilang pinangakuang paglingkuran na nagtitiis sa mga daang maalikabok kung tag-init at maputik kung tag-ulan. Ito ang sistema na natutunghayan ng karamihang umaasa sa mga pangako ng mga nagpapakilalang mapagpakumbabang utusan. Ang buhay ni Jesus ay nagbibigay sa atin ng totoong kahulugan ng paglilingkod. Si Jesus, ang anak ng Diyos, ay pumanaog at nagpakatao upang makiisa sa karanasan ng tao. Pumasok Siya na pinupuri ng Jerusalam habang nakasakay sa isang bisiro na sagisag ng Kanyang pagkahari at nagpakababa sa Kanyang sarili upang maglingkod at mag-alay ng Kanyang sarili. Si Jesus ang totoong nagpapakababang tagapaglingkod na gumamit ng kapangyarihan upang maglingkod sa mga aba’t dukha. Ang hamon ng Santo Papa, Francisco, na ang mga Katoliko ay makilahok sa pulitika kahit pa ito ay marumi at maraming mga kabiguan. Mula sa pakikilahok, ipinakikilala ng mga Katoliko ang totoong pamamaraang Kristiyano sa pagdadala at paglilingkod patungo sa mga halimbawa ni Jesus. Kina kailangan nating humawak sa kapangyarihan na naaayon sa mapagpakumbabang puso ni Jesus at sa gabay ng Espiritu Santo upang tanglawan ang sangkatauhan lalo na ang lubos na aba sa lipunan.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023





