Ebanghelyo: Mateo 9:18-26
Habang nagsasalita si Jesus sa kanila, lumapit sa kanya ang isang pangulo ng sinagoga at paluhod na sinabi: “Kamamatay nga lamang ng aking anak na babae, pero halika at ipatong ang iyong mga kamay at siya’y mabubuhay.” Kaya tumayo si Jesus at sumama sa kanya, pati na ang kanyang mga alagad. Nilapitan naman siya mula sa likuran ng isang babaeng labin dalawang taon nang dinudugo, at hinipo nito ang laylayan ng damit ni Jesus. Sapagkat naisip niya: “Kung mahihipo ko lamang ang laylayan ng kanyang damit, gagaling na ako.” Lumingon naman si Jesus, nakita niya siya at sinabi: “Lakasan mo ang iyong loob, anak ko, pinagaling ka ng iyong pananalig.” At gumaling ang babae sa sandaling iyon. Pagdating ni Jesus sa bahay ng pangulo, nakita niya ang mga tumutugtog ng plauta at ang mara ming taong nagkakaingay. At sinabi niya: “Umalis kayo! Hindi patay ang dalagita kundi tulog.” Pinagtawanan nila siya. Ngunit pagkaalis ng mga tao, pumasok siya, hinawakan ang bata sa kamay at bumangon ito. Lumaganap ang balitang ito sa buong lupaing iyon.
Pagninilay
Sa Ebanghelyo, lumapit ang opisyal kay Jesus upang humingi nang Kanyang pagdampi sa kanyang anak na may sakit. Ang babae na matagal nang nagtitiis sa kanyang sakit ay nanalig na kung mahawakan niya kahit ang dulo lamang ng Kanyang damit, siya ay gagaling. Ang ninanais ng opisyal at ng babae ay nangyari dahil sa kanilang pananalig kay Jesus. Sa sakramento ng Banal na Pakikinabang, ating nahahawakan at tinatanggap ang katawan ni Jesus. Kasama sa atin g natatanging pananalig ang ha nga ring maranasan nawa natin ang nakagagaling na kamay ni Jesus. Nang sa gayon, gumaling ang mga karamdaman natin, lalo na yaong mga pang-espiri tuwal na mga sugat na ating dinaramdam. Nawa’y tumibay tayo sa pagsaksi natin sa mapagpalang presensya ni Jesus sa pamamagitan ng pagtulong at pagbibigay sa mga may sakit at nangangailangan.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023





