Ebanghelyo: Mateo 9:32-38
Nang makaalis na ang mga ito, may nagdala naman kay Jesus ng isang lala king pipi na inaalihan ng demonyo. Nang mapalayas niya ang demonyo, nakapag salita ang pipi kaya namangha ang mga tao at kanilang sinabi: “Wala pang nangyaring ganito sa Israel.” Ngu nit sinabi naman ng mga Pariseo: “Nagpapalayas siya ng demonyo sa tulong ng pinuno ng mga demonyo.” At nilibot ni Jesus ang mga bayan at mga nayon; nagtuturo siya sa kanilang mga sinagoga, nagpapahayag ng Mabuting Balita ng Kaharian at nagpapagaling ng lahat ng sakit at karamdaman. Nang makita niya ang makapal na tao, naawa siya sa kanila sapagkat hirap sila at lu pay pay na parang mga tupang walang pastol. At sinabi niya sa kanyang mga alagad: “Marami nga ang aanihin at ka kaunti naman ang mga manggagawa. Ida langin ninyo sa panginoon ng ani na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang ani.”
Pagninilay
Maraming may karamdaman ang gumagaling dahil sa mapagpalang kapang yarihan ni Jesus. Sa kulturang Judio, ang sakit o karamdamang pangangatawan ay isang pa rusa mula sa pagkakasala. Ang pagpapagaling ni Jesus sa mga may sakit ay tanda ng paglaya mula sa kasalanang bumibihag sa may karamda man. Gayun paman, hindi iyon ang ipina pa hiwatig ng mga pari seo sa pagpapagaling ni Jesus sa may sakit. Ito raw ay mula sa kapangyarihan ng demonyo. Kahit pa alam ng mga Judio na ang kagalingang dala ni Jesus ay para sa sangkatauhan, mas pinili nila ang pagkabulag at pagkawalang-bahala dahil sa kanilang hindi pagtanggap kay Jesus. Tinanggap ng mga dukha si Jesus ngunit ang mga Pariseong may kaalaman sa mga salita at utos ng Diyos ay nanatiling bulag at bingi sa katotohanang dala niya. Ang mapagpalang kapangyarihan ng Diyos ay matatamo la mang ng mga taong may ro ong pananalig. Nawa ang ating pananampalataya ay mag dulot ng kagali ngan sa atin g mga karamdaman sa pangangatawan at kaluluwa.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023




