Ebanghelyo: Mateo 10:1-7
Tinawag ni Jesus ang labindalawa niyang alagad at binigyan sila ng kapangyarihan sa maruruming espiritu para palayasin ang mga ito at pagalingin ang lahat ng sakit at karam daman. Ito ang mga pangalan ng labindalawang apostol: una, si Simong tinatawag na Pedro, at ang kanyang kapatid na si Andres; si Jaime na anak ni Zebedeo, at ang kapatid nitong si Juan; sina Felipe at Bartolome, Tomas at Mateo, na tagasingil ng buwis; si Jaimeng anak ni Alfeo, at si Tadeo; si Simong Kananeo, at si Judas Iskariote na magkakanulo sa kanya. Sinugo ni Jesus ang labindalawang ito at pinagbi linan: “Huwag kayong lumiko papunta sa mga pagano at huwag pumasok sa bayang Samaritano. Hanapin ninyo ang nawawalang tupa ng sambayanan ng Israel. Ipahayag ang mensaheng ito sa inyong paglalakbay: ‘Palapit na ang kaharian ng Langit.’
Pagninilay
Sa unang pagkakataong ipinadala ni Jesus sa misyon ang kanyang mga alagad, si nugo sila na hanapin muna ang mga nawawalang hinirang ng Israel bago pa sila magmisyon sa mga lugar ng mga gentil. Ngunit sa huling pagpapadala sa kanila matapos ang Muling Pagkabuhay ni Jesus, sinugo niya ang pagpapaha yag ng mabuting balita at pagbibinyag sa buong sanlibutan. Ito ang ibig sabihin sa kalooban ng Diyos na ang lahat ay kabilang sa panibagong taha nan ng Israel. Ang labinda lawang apostoles ay hindi na lamang sagisag ng labinda lawang tribo ng Israel; ngunit nang buong sanlibutan. Kaya naman, ang misyon sa pagpa pahayag ay ipinapaabot sa Sim bahan at ibinabahagi sa lahat ng nabinyagan. Tayo ay naging kabahagi sa panibagong tahanan ng Israel sa pa ma magitan ng binyag at ka bahagi rin sa misyon ng pagpapahayag ng mabuting balita mula sa Sakramento ng Kumpil. Gayun din, tayong lahat ay naging mamamahayag ng Mabu ting Balita sa ating sariling mga halimbawa batay sa mga turo ni Jesus.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023




