Ebanghelyo: Mateo 10:7-15
Ipahayag ang mensaheng ito sa inyong paglalakbay: ‘Palapit na ang kaharian ng Langit.’ Pagalingin ang maysakit, buhayin ang patay, linisin ang mga may ketong at palayasin ang mga demonyo. Tinanggap ninyo ito nang walang bayad kaya ibigay rin ninyo nang walang bayad. Huwag magdala ng ginto, pilak o pera sa inyong mga bulsa. Huwag magdala ng balutan o sobrang damit o sandalyas o tungkod, sapagkat may karapatan ang manggagawa sa kanyang ikabubuhay. Pagdating ninyo sa isang bayan o baryo, maghanap ng isang taong karapat-dapat at makituloy sa kanya hanggang sa inyong pag-alis. Pagpasok ninyo sa isang tahanan, dasalan ito ng ka payapaan. Kung karapat-dapat ang sambahayang ito, sasa kanila ang kapayapaang dinasal ninyo; kung hindi naman karapatdapat, babalik sa inyo ang inyong dasal. At kung may bahay o bayang hindi tatanggap sa inyo o makikinig sa inyong mga salita, lumabas sa bahay o bayang iyon at ipagpag ang alikabok sa inyong mga paa. Sinasabi ko sa inyo, mas magiging magaan pa sa araw ng paghuhukom para sa mga taga-Sodom at Gomorra kaysa bayang iyon.
Pagninilay
Kasama sa mga utos ni Jesus sa pagpapahayag ng Mabuting Balita ayon sa Kaharian ng Diyos ay ang pagpapagaling sa mga may sakit, pagbuhay sa mga namatay, pagpapanibago sa mga nagka kasala, at pagtataboy sa mga masamang espiritu. Nagpapahiwatig ito na ang paghahari ng Diyos ay nagbibigay kaligtasan sa lahat. Ang Mabuting Balita ay mayroong mapagpalang kapangyarihan at nagbibigay ng kaligtasan mula sa pagkakabihag sa kasamaang sumasalarawan sa sakit at ka matayan. Sinugo rin ni Jesus ang mga alagad na magtiwala sa gabay ng Diyos na siyang magkakalob sa kanilang mga pangangailangan sa paglalakbay. Kaya hindi nila kinakaila ngang magdala ng mga supot o gamit na maa a ring makasagabal sa kanilang misyon. Hindi pinapabayaan ng Panginoon ang kanyang mga misyonero. Ito ang utos ni Jesus, na ang ating Kristiyanong pagsaksi ay magdulot ng mapagpalang kapangya rihan ng Mabuting Balita sa atin g pamayanan at magtiwala tayo sa tulong ng Mahabaging Diyos na nagsu
© Copyright Pang Araw-Araw 2023




