Ebanghelyo: Mateo 10:34—11:1
Huwag ninyong isipin na duma ting ako para magdala ng kapa yapaan sa lupa. Hindi kapayapaan ang dala ko kundi tabak. Dumating akong taglay ang pag hihiwalay: ng tao laban sa kanyang ama, ng anak na babae sa kanyang ina, ng manugang sa kanyang biyenan. At ma giging kaaway ng bawat isa ang kan yang mga kasam bahay. Ang mas nagmamahal sa kan yang ama o ina kaysa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang mas nag ma mahal sa kanyang anak kaysa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. At ang hindi nag pa pasan ng kanyang krus at sumu sunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang nagpa pa halaga sa kanyang sarili ang siyang mawawalan nito, at ang nawawalan naman ng kanyang sarili ang siyang maka katagpo nito. Kung may tumatanggap sa inyo, tinatanggap din niya ako; at kung may tumatanggap sa akin, tinatanggap din niya ang nagsugo sa akin. Kung may tumanggap sa isang propeta dahil pro peta ito, tatanggapin niya ang gantimpa lang bagay sa isang propeta; kung may tumanggap sa isang ma buting tao dahil marangal ito, tatang gapin niya ang gantimpalang bagay sa isang ma buting tao. Kung may mag painom ng malamig na tubig sa isa sa maliliit na ito dahil sa ala gad ko ito, sinasabi kong hindi siya mana natiling wa lang gantimpala.” Nang matapos si Jesus sa pagtuturo sa Labindalawa niyang alagad, umalis siya roon para magturo at mangaral sa mga bayan doon.
Pagninilay
Pagkatapos ng muling pagka buhay, ibinigay at iniwan ni Jesus ang kanyang ka payapaan sa mga tagasunod ngunit ngayo’y nagsabi na hindi siya dumating para magbigay kapayapaan bagkus pagkakawatak-watak. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Nais ng Diyos na magbuo ng iisa lamang na pamilya kung saan lahat ay kabilang at magiging kanyang mga anak mula sa kaligtasang dala ni Kristo. Gayunpaman, may mga tao pa rin na hindi tumatanggap kay Jesus sapagkat hindi nila nais mapabilang sa tahanan ng Diyos. Hindi pa ang Diyos ang pangunahing nais nila sa kanilang buhay, kundi ang mga makamundong ugnayan at bagay. Ang totong kapayapaan ay ating makakamtan sa pagtanggap kay Jesus at sa kanyang mga turo, at pagkilala sa iisang Diyos Ama na lumikha sa atin. Sa ganitong paraan, kila lanin natin ang kap wa natin kapatid na mabigyang halaga sa pamamagitan ng pag mamahalan.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023