Ebanghelyo: Mateo 11:20-24
At sinimulang tuligsain ni Jesus ang mga bayang ginawan niya ng kara mihan sa kanyang mga himala, sapagkat hindi sila nagpanibagong-buhay: “Sawimpalad kayong mga bayan ng Corozain at Betsaida! Kung sa Tiro at Sidon nangyari ang mga himalang naganap sa piling ninyo, matagal na sana silang nagsisi nang may abo at sako. Kaya sinasabi ko sa inyo: Mas magiging magaan pa ang sasapitin ng Tiro at Sidon sa araw ng paghuhukom kaysa inyo. At ikaw naman, Capernaum, itataas ka ba sa langit? Hindi, ita tapon ka sa kaharian ng mga patay! Sapagkat kung sa Sodom nang yari ang mga himalang naganap sa iyo, nana na tili pa sana ngayon ang Sodom. Kaya sinasabi ko sa inyo: mas magi ging ma gaan pa ang sasapitin ng lupain ng Sodom sa araw ng paghuhukom kaysa inyo.”
Pagninilay
Ipinahayag ni Jesus ang kanyang nararamdamang mga kabiguan sa Bethsaida at Chorazin, kung saan pagkatapos Niyang gumawa ng mga himala, nanatili pa ring sarado ang kanilang mga puso sa pagtanggap sa Kanya bilang Mesiyas. Ang Panginoon ay patuloy na nagpapahayag ng kanyang sarili sa bawat isa sa’tin sa ibaibang pamamaraan. Ito ang kahulugan ng biyaya ng Diyos. Ayon kay Karl Rahner, isang Theologian, ang biyaya ay ang pagpapakilala, pagbubunyi, at pagbubukas ng Diyos sa kanyang Sarili (God self-communication). Ang ating pananampalataya ay ang panglabas nating pagtugon sa pagbubunyi sa Diyos sa kanyang sarili. Kaya ang ating pananampalataya ay hindi sapilitan. Ito’y nangangailangan ng tunay na pagtanggap. Ngunit ang pagtugon sa pananampalataya ay biyaya lamang din ng Panginoon kung bukas ang ating mga mata sa kanyang mga paggalaw; ang ating mga tenga sa kanyang mga Salita at ang ating puso upan tanggapin siya sa ating buhay.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023