Ebanghelyo: Mateo 11:25-27
Nagsalita si Jesus sa pagkaka taong iyon: “Pinu puri kita Amang Panginoon ng Langit at lupa, sapag kat itinago mo ang mga bagay na ito sa matatalino at marurunong, at ipinamulat mo naman sa mga karaniwang tao. Oo, Ama, ito ang ikinasiya mo. Ipinagkatiwala sa akin ng aking Ama ang la hat. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at wa lang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang sinu mang gustuhing pagbunyagan ng Anak.
Pagninilay
Bakit kaya sinabi si Jesus na ang Kaharian ng Diyos ay mas malapit sa tulad ng mga bata? Ang asal nang isang bata ay sumasalarawan sa tiwala, pakikinig, at pagkamasunurin sa magulang. Ito rin ang ugnayan ni Jesus at ng Diyos Ama. Dahil sa malapit nilang ugnayan, ipinahayag ng Ama ang lahat patungo kay Jesus at ang kalooban ng Ama nasusunod kay Jesus. Ito rin ang ugnayan ng Diyos na dapat nating na tamo; na tayo’y maging malapit sa Diyos bilang Kanyang mga anak upang atin mismong makilala at sundin ang kanyang kalooban. Tulad sa isang bata, magtiwala tayo sa Diyos, maki nig tayo sa Kanyang mga Salita, at sumunod tayo sa kanyang kalooban upang tayo’y maging tunay na malalapit na anak ng Diyos.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023