Ebanghelyo: Mateo 13:24-43
Binigyan sila ni Jesus ng isa pang talinhaga. “Naihahambing ang kaha rian ng Langit sa isang taong naghasik ng mabuting buto sa kanyang taniman. At samantalang natutulog ang mga tauhan, dumating ang kaaway. Hinasikan nito ng masamang damo ang taniman ng trigo at saka umalis. Nang tumubo ang mga tanim at nag simulang mamunga ng butil, naglitawan din ang masasamang damo. Kaya lumapit sa may-ari ang mga katulong at sinabi: ‘Ginoo, di ba’t mabu buting buto ang inihasik mo sa iyong bukid, saan galing ang mga damo?’ Sinagot niya sila: ‘Gawa ito ng ka away.’ At tinanong naman nila siya: ‘Gusto mo bang bunutin namin ang mga damo?’ Sinabi niya sa kanila: ‘Huwag, at baka sa pagbunot ninyo sa mga damo e mabunot pati ang trigo. Hayaan ninyo na sabay silang tumubo hanggang ani han. At doon ko sasabihin sa mga mag-aani: Bunutin muna ninyo ang mga damo, at bigkisin para sunugin; at saka kunin ang lahat ng trigo at tipunin sa aking kamalig.” Binigyan sila ni Jesus ng isa pang talinhaga: “Naikukumpara ang kaharian ng Langit sa isang buto ng mustasa na kinuha ng isang lalaki at inihasik sa kan yang bukid. Pinakamaliit ito sa mga buto ngunit paglaki’y mas malaki ito sa mga gulay, at parang isang puno – duma rating ang mga ibon ng langit at dumadapo sa mga sanga nito.” At sinabi ni Jesus ang iba pang talin haga: “Naikukumpara ang kaha rian ng Langit sa lebadurang kinuha ng isang ba bae at ibinaon sa tatlong takal ng harina hanggang umalsa ang buong masa.” Itinuro ni Jesus ang lahat ng ito sa mga tao sa pamamagitan ng mga talinhaga; hindi siya nagturo sa kanila na hin di gumagamit ng mga talinhaga. Kaya natupad ang sinabi ng Propeta: “Magsa salita ako sa talinhaga. Magpapahayag ako ng mga bagay na natago mula pa sa simula ng daigdig.” At pinaalis niya ang mga tao at saka pumasok sa bahay. Lumapit noon sa kanya ang kanyang mga alagad at nagtanong: “Ipaliwanag mo sa amin ang talinhaga ng mga trigo sa bukid.” Su magot si Jesus: “Ang nagtanim ng ma buting buto ay ang Anak ng Tao. Ang bukid naman, ang daigdig; ang mabuting buto, ang mga tao ng Kaha rian; at ang masasamang damo, ang mga tauhan ng demonyo. Ang kaaway na nag hasik sa kanila ay ang demonyo; ang pag-aani ay ang kata pusan ng mundo, at ang mga manggagawa ay ang mga anghel. Kung paanong tinitipon ang masa samang damo at sinusunog sa apoy, ga nito rin ang mangyayari sa katapusan ng mundo. Ipadadala ng Anak ng Tao ang kanyang mga anghel at titipunin nila sa kanyang kaharian ang mga eskandalo at ang mga guma gawa ng masama. At itatapon ang mga ito sa nagliliyab na pugon kung saan may iyakan at pagnga ngalit ng ngipin. At pagkatapos nito, magni ningning ang mga makatarungan tulad ng araw sa Kaharian ng kanilang Ama. Makinig ang may tainga!
Pagninilay
Bakit mayroong kasamaan sa mundo? Mayroon bang pahintulot ang Panginoon sa mga masasamang bagay at pangyayari sa mundo? Normal ito na mga katanungan sa isang tao na tumatanaw at nagninilay sa kalagayan ng mundo at nakaranas ng mga masasamang bagay tulad ng patayan, kurapsyon, panlilinlang, pang-aabuso ng tao at iba pang nakasanayang mga bagay na sumasalarawan sa kasamaan. Saan ba talaga nagmumula ang kasamaan? Galing ba ito sa labas o sa loob ng tao? Sa pakikipag-usap ni Jesus sa mga Pariseo tungkol sa hindi paghuhugas ng kamay ng mga alagad bago kumain, sinabi niya na walang dumi na pumapasok sa tao galing sa labas. Ito’y nagmumula sa loob ng tao – galing sa kanyang isip at puso tulad nang panlilinlang, pandaraya, at iba pa. Isa sa mga mahalagang regalo na ibinigay sa tao ay ang kakayahang pumili (free will and intellect). Ang saktong paggamit nito’y regalo kalakip sa paglago ng tao. Ang presensya ng kasamaan sa mundo ay nagmumula sa pagpili ng tao na talikdan ang kanyang ugnayan sa Diyos. Ang mga kaguluhan sa mundo’y sumasalarawan sa loob ng puso ng tao dahil ito’y nanggagaling sa pagkamakasarili, kadamutan, pamimintas, at pagtalikod sa kalooban ng Diyos. Dahil din nito, nasusugatan ang ating ugnayan sa Diyos. Ang mga aral ni Jesus sa Ebanghelyo ay nagpapamalas sa katotohanan na ginagalang ng Diyos ang kakayahan nating pumili. Sa mga pagkakataong tayo’y nagkakasala sa Diyos, patuloy tayong binibigyan ng pagkakataong magbago. Tulad sa isang ama na naghanap at naghintay sa kanyang anak na nawala sa landas, ang Diyos, sa Kanyang pag-ibig at awa’y patuloy na handa sa ating pagbabalik sa Kanya mula sa ating pagtalikod sa kasamaan. Sa katapusan, ang Diyos ang huhukom sa atin sa kanyang pag-ibig at awa.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023