Ebanghelyo: Marcos 4:26-34
At sinabi niya: “Maihahambing ang kaharian ng Diyos sa paghahasik ng isang tao ng buto sa lupa. Tulog man siya o gising, sa gabi o araw, sumisibol ang binhi at lumalago nang hindi niya namamalayan. Nagbubunga ang lupa sa ganang sarili nito: una’y ang usbong, saka ang uhay at ang butil na humihitik sa uhay. At kapag nagbunga na ito, agad siyang magpapadala ng karit sapagkat sumapit na ang anihan.”
At sinabi niya: “Sa ano natin maikukumpara ang kaharian ng Diyos? Sa anong talinhaga natin ito maipakikilala? Natutulad ito sa paghahasik ng buto ng mustasa na pinakamaliit sa mga binhing inihahasik sa lupa. Ngunit pagkahasik nito, tumataas ito at lumalaki na higit pa sa lahat ng gulay at nagsasanga nang malaki hanggang sumilong sa kanyang lilim ang mga ibon ng langit.”
Itinuro niya sa kanila ang lahat ng ito sa pamamagitan ng mga talinhagang gaya nito ayon sa kakayahan ng kanilang isipan. Hindi siya nagturo sa kanila nang hindi gumagamit ng mga talinhaga. Ngunit nilinaw niya ang lahat sa kanyang mga alagad nang sila-sila na lamang.
Pagninilay
Ang ebanghelyo ngayong araw ay nagsasabi sa atin na ang Paghahari ng Diyos ay isang puwersang sumusulong bago pa man ang anumang kahirapan at pangyayari sa buhay natin. Ang unang pagbasa na mula sa propetang si Ezekiel ay nagwiwika tungkol sa isang nakamamanghang paglago. Sa ikalawang pagbasa, pinamamalas ni Pablo nang may higit na lakas at pagtitiwala ang hindi masukat na paghahangad na mabigyan ng kaluwalhatian ang Diyos. Kaya ang dalawang mga mahahalagang salita sa ating pagdiriwang ngayon ay lakas ng loob (courage) at pagtitiwala (confidence). There are circumstances in our life that rob us of confidence, confidence in ourselves. When this happen, we succumb to pessimism and deep hostility against our adversaries. We are weakened and destabilized. As a result, our dynamism is debilitated. What we need is to recover courage. Courage is a Godly virtue. The discourse of Ezequiel in the first reading was meant to instill once again courage amidst loss of hope among his people. In the parable stories of Jesus in today’s gospel reading present to us how active and dynamic the Kingdom of God; and mostly hidden from the human way of seeing and understanding. This invites us to an attitude of confidence and trust. Paul, in the second reading, exhorts us to same confidence and trust. Paul assured us that in all circumstances we will overcome thanks to the One who love us (Rom. 8:35-37).
© Copyright Pang Araw-Araw 2021