Ebanghelyo: Mateo 9:14-15
Noo’y lumapit kay Jesus ang mga alagad ni Juan at nagtanong: “May araw ng ayuno kami at ang mga Pariseo, at wala bang pag-aayuno ang iyong mga alagad?”
Sinagot sila ni Jesus: “Puwede bang magluksa ang mga abay sa kasalan habang kasama pa nila ang nobyo? Darating ang panahon na aagawin sa kanila ang nobyo at sa araw na iyon sila mag-aayuno.
Pagninilay
Ang pag-aayuno ay mahalaga sa karamihan ng mga relihiyon. Ito ay nakikita bilang isang paraan ng pagbabayad ng kasalanan, pag-lilinis ng espiritu at pag-aalok ng isang bagay sa kabanalan. Para sa mga mamamayang Hudyo, ang pag-aayuno ay nakalista bilang isa sa mga pundasyon ng kanilang espirituwalidad. Sa libro ng Tobit, sinasabi nito: “Ang panalangin ay mabuti kapag sinamahan ng pag-aayuno, limos at hustisya” (12:8). Kung walang kasamang panalangin at hustisya, walang kahulugan ang pag-aayuno. Ito ay isang tanda ng pagsisisi at pagbabago. Pinatitibay din nito ang pag-asa at panalangin na darating ang Diyos at palalayain ang Kanyang mga tao.
Ang inaakala natin na ang pag-bawas o ang hindi lang pagkain ang paraan ng pag-aayuno. Ngunit maaari tayong mag-ayuno sa lahat ng bagay. Tulad ng halimbawang ito: kung gusto natin na hindi muna sumama sa mga lakad ng barkada at manatili muna para manahimik at magdasal, ito ay pag-aayuno. At marami pang paraan upang ipakita na ang Diyos ang ating prayoridad sa buhay.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022