Ikalawang Pagbasa: Roma 10:8-13
At sinasabi ring: Malapit sa iyo ang salita, sa iyong bibig at puso. Ang salitang iyon ang ipinangaral namin tungkol sa pananampalataya.
Maliligtas ka kung ipahahayag ng iyong bibig na Panginoon si Jesus at kung paniniwalaan mo sa iyong puso na muli siyang ibinangon ng Diyos mula sa mga patay. Sa paniniwala ng puso magiging matuwid ka, at sa pagpapahayag naman ng bibig maliligtas ka. Sinasabi nga ng Kasulatan: At maliligtas naman ang sinumang tatawag sa Pangalan ni Yawe. Walang kaibahan ang Judio sa Griyego sapagkat iisa lang ang Panginoon ng lahat, na may magandang-loob para sa lahat ng tumatawag sa kanya: Hindi mabibigo ang sumasampalataya sa kanya.
Pagninilay
Sa pakikipagtagpo ni Jesus sa diyablo, tinukso siya nito ng tatlong beses. Gayunpaman, sa bawat tukso, si Jesus ay may tugon sa demonyo. Siya ay may roong panloob na lakas at karunungan upang tang-gihan ang mga inilagay ng diyablo sa harap niya. Hindi siya nagpakita ng interes sa kapangyarihan o kayama-nan, at tumanggi siyang patunayan kung sino siya sa sinuman, maging sa demonyo. Sa kalaunan, diretsong sinabi ni Jesus sa demonyo: “Huwag mong subukan ang Panginoon mong Diyos!” Pagkatapos ay umalis na ang diyablo.
May mga pagkakataon na tayo rin ay nahaharap sa ganitong tukso: pagkakaroon ng mga pambihirang kakayahan, impluwensya, kapang-yarihan, at kayamanan. Karaniwan na pinapalakpakan ng mundo ang mga indibidwal na mayroong ka-pangyarihan, kayamanan o pambihi-rang kakayahan. Mayroon ba tayong panloob na lakas upang tanggihan ang mga tukso na ito?
Nais ni Jesus na tayo ay maging banal, matalino, at maunawain. Alam niya na ang mga tukso ng mundo ay malakas. Batid din ni Jesus na ang parehong mga tukso ay hindi kinakailangang magdala ng kaligayahan at kapayapaan. La bis na nakakaakit ang lakas. Kung hindi tayo nakakaunawa, maaaring tuksuhin tayo ng kapangyarihan na gumawa ng isang daan na maaaring humantong sa ating pagkawasak.
Ngayon, alalahanin ang kon-septo ng kapangyarihan at ang kakaya hang akitin tayo nito. Hili-ngin kay Jesus na tulungan tayong manati ling alerto sa mga tukso na ito. Ang mga tukso na ito ay maa-aring tila hindi gaanong mahalaga. Gayunpaman, kung magbibigay tayo sa maliliit na tukso, mas malamang na magbigay tayo sa mas mapa nga-nib na mga tukso.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022