Ebanghelyo: Mateo 6:7-15
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Pag ma-nanalangin kayo, huwag kayong magsalita nang magsalita gaya ng ginagawa ng mga pagano; naniniwala nga sila na mas pakikinggan sila kung marami silang sinasabi. Huwag kayong tumulad sa kanila. Alam ng inyong Ama ang mga pangangailangan ninyo bago pa man kayo humingi.
“Kaya, ganito kayo manalangin: Ama naming nasa Langit, sambahin ang Ngalan mo, dumating ang Kaharian mo, sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa Langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw, patawarin mo ang aming mga pagkakautang gaya ng pagpapatawad namin sa mga nagkakautang sa amin.
Huwag mo kaming dalhin sa tukso, at iligtas mo kami sa Masama.
“Kung patatawarin ninyo ang mga nagkasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Amang nasa Langit. At kung hindi ninyo patatawarin ang mga nagkasala sa inyo, hindi rin kayo patatawarin ng inyong Ama.”
Pagninilay
Ang Ama Namin ay isang pa-na langin na natutunan ng karamihan sa atin sa napaka-batang edad. Ang mga salita ay nakatanim sa ating mga isip. Kaya naman halos hindi na natin nabibig-yan ng lalim ito kapag ating dina-rasal. Habang hinahangad nating ipanalangin ito ng mataimtim, ang ating mga isipan ay gumagala at hindi tayo ganap na naroroon tulad ng nais natin. Ang hamon para sa atin ay sikaping maging naroroon o may malay. Sa gayon, maaari nating ibalik ang ating mga isipan at puso sa Diyos nang tuloy-tuloy.
Anong mga salita sa Ama Namin ang may pinakamahalagang kahulu-gan sa iyo? Ano ang iyong kailangan, iyong pagnanasa? Tunay na nagda-rasal si Jesus sa kanyang Ama, na kilalang-kilala Niya. Dinadasal ba natin ang Ama Namin bilang isang panalangin ng pag-ibig, ng pana-nabik, ng papuri? Kilalang-kilala tayo ni Jesus at naglalakad kasama natin bawat araw! Dasalin natin ng taimtim ang Ama Namin.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022