Ebanghelyo: Juan 11:1-45
Ngayon, may isang maysakit na Lazaro ang pangalan. Taga-Betania siya, sa nayon ni Maria at ni Martang kapatid nito. Si Maria ang nagpahid ng pabango sa Panginoon at nagpunas ng kanyang buhok sa mga paa niya. At maysakit ang kapatid niyang si Lazaro. Kaya nagsugo ang magkapatid kay Jesus para sabihin: “Panginoon, maysakit ang iyong iniibig.” Pagkarinig nito, sinabi ni Jesus: “Hindi tungo sa kamatayan ang pagkakasakit na ito kundi alang-alang sa ikaluluwalhati ng Diyos at luluwalhatiin ang Anak ng Tao sa pamamagitan nito.” Mahal ni Jesus si Marta at ang kapatid nitong babae at si Lazaro. Ngunit pagkarinig niyang may sakit ito, dalawang araw pa siyang namalagi sa lugar na iyon. Pagkaraan lamang nito saka niya sinabi sa mga alagad: “Tayo na uli sa Judea.” Sinabi sa kanya ng mga alagad: “Rabbi, ngayon-ngayon lang eh pinagtatangkaan kang batuhin ng mga
Judio, at pupunta ka uli roon?” Sumagot si Jesus: “Di ba’t labindalawang oras meron sa maghapon? Hindi natitisod sinumang naglalakad sa araw sapagkat nakikita niya ang liwanag ng mundong ito. Ngunit natitisod ang sinumang naglalakad sa gabi sapagkat wala sa kanya ang liwanag.” Sinabi niya ito at saka niya winika sa kanila: “Nahihimlay na ang kaibigan nating si Lazaro pero pupunta ako para gisingin siya.” Kaya sinabi ng mga alagad sa kanya: “Panginoon, kung nahihimlay na siya, pagaling na siya.” Ang pagkamatay niya ang tinutukoy ni Jesus. Inakala naman nilang paghimlay na pagtulog ang sinasabi niya. Kaya noo’y lantarang sinabi sa kanila ni Jesus: “Patay na si Lazaro. Pero nagagalak ako para sa inyo at wala ako roon kaya maniniwala kayo. Puntahan natin siya.” Kaya sinabi ni Tomas na tinaguriang Kambal sa kanyang mga kapwa-alagad: “Pumunta rin tayo at mamatay kasama niya.” Pagdating ni Jesus, apat na araw na palang nakalibing si Lazaro. Malapit ang Betania sa Jerusalem, halos tatlong kilometro ang layo. Marami sa mga Judio ang pumunta kina Marta at Maria para makiramay sa kanila sa kanilang kapatid. Kaya pagkarinig ni Marta na dumarating si Jesus, sinalubong niya ito. Si Maria naman ay nakaupo sa bahay. At sinabi ni Marta kay Jesus: “Panginoon, kung naririto ka, hindi sana namatay ang kapatid ko. Ngunit kahit na ngayon, alam kong anuman ang hingin mo sa Diyos ay ibibigay sa iyo ng Diyos.” Sinabi sa kanya ni Jesus: “Babangon ang kapatid mo.” Sinabi naman sa kanya ni Marta: “Alam ko na babangon siya sa pagkabuhay sa huling araw.” Sinabi sa kanya ni Jesus: “Ako siyang pagkabuhay (at ang buhay.) Mabubuhay ang nananalig sa akin kahit na mamatay siya. Hinding-hindi mamamatay kailanman ang bawat nabubuhay at nananalig sa akin. Pinaniniwalaan mo ba ito?” Sinabi niya sa kanya: “Opo, Panginoon. Nananalig nga ako na ikaw ang Kristo, ang Anak ng Diyos, na dumarating sa mundo.” Pagkasabi nito, umalis siya at pabulong na tinawag si Mariang kapatid niya: “Narito ang Guro at tinatawag ka.” Pagkarinig naman nito, madali itong tumindig at pumunta sa kanya. Hindi pa nakararating si Jesus sa nayon kundi naroon pa kung saan siya sinalubong ni Marta. Nakita ng mga Judiong kasama ni Maria sa bahay at nakikiramay sa kanya na nagmamadali siyang tumayo at lumabas kaya nagsunuran sila sa kanya sa pag-aakalang papunta siya sa libingin upang doon humagulhol. Pagkarating ni Maria sa kinaroroonan ni Jesus at pagkakita sa kanya, nagpatirapa siya sa paanan nito at nagwika sa kanya: “Panginoon, kung naririto ka, hindi sana namatay ang aking kapatid.” Kaya nang makita ni Jesus na humahagulhol siya pati ang mga Judiong nangagsisama sa kanya, nabagabag ang loob niya at naligalig ang sarili. At sinabi niya: “Saan n’yo siya inilagay?” Sinabi nila sa kanya: “Panginoon, halika’t tingnan mo.” Lumuha si Jesus. Kaya sinabi ng mga Judio: “Tingnan n’yo kung gaano ang pag-ibig niya sa kanya.” Sinabi naman ng ilan sa kanila: “Pinadilat nga niya ang mga mata ng bulag; hindi rin kaya niya magagawang huwag mamatay ang taong ito?”Muling nabagabag ang sarili ni Jesus at dumating siya sa libingan. Isang yungib ito, at may batong nakatakip Nasaksihan natin sa Ebanghelyo ang huli o ikapitong “tanda”, o himala ni Jesus sa Ebanghelyo ayon kay San Juan. Sinabi ni Jesus kay Marta na Siya ang muling pagkabuhay at ang buhay. Sinumang nananalig sa Kaniya ay mabubuhay at hindi mamamatay. Ang tinutukoy ni Jesus ay ang buhay na walang hanggan kasama ng Diyos. Kaya ipinakita ni Jesus ang Kaniyang kapangyarihan sa makalupang kamatayan nang tawagin si Lazarus na lumabas sa libingan. Lumabas nga si Lazarus at pinalaya mula sa pagkakagapos. Makikita natin na dumating si Jesus sa tamang panahon na namatay si Lazaro. Pwede naman kung tutuusin na pumunta Siya ng mas maaga, pero dumating si Jesus nang namayapa na si Lazaro. Dahil naantala ang kaniyang dating, naipakita ni Jesus na mayroon pa siyang higit na kapangyarihan, hindi lamang sa sakit kundi sa kamatayan. Kaya winika ni Jesus sa mga alagad bago siya umalis patungong Betania, “Para sa inyo’y natutuwa akong wala ako roon sapagkat ngayon ay maniniwala na kayo”. Naniniwala na sila kay Jesus hindi lamang bilang ang nagbibigay-buhay at kagalingan para sa mga maysakit, ngunit bilang Tagapagbigay-Buhay para sa mga yumao. Nawa maging hamon ito na lalo pa nating patatagin ang pananampalataya natin. Dahil sa pananampalataya kay Jesus, ang Panginoon ng Buhay, palaging may pag-asa sa puso natin at maaari nating harapin ang sarili nating kamatayan nang may pananalig kay Jesus. doon. Sinabi ni Jesus: “Alisin n’yo ang bato.” Sinabi sa kanya ni Martang kapatid ng yumao: “Panginoon, nangangamoy na siya ngayon dahil apat na araw na.” Sinabi sa kanya ni Jesus: “Di ba’t sinabi ko sa iyo, na kung nananalig ka, masasaksihan mo ang kaluwalhatian ng Diyos?” At inalis nila ang bato. Tumingala naman si Jesus – sinabi: “Ama, pinasasalamatan kita pagkat dininig mo ako. Alam kong lagi mo akong dinidinig ngunit dahil sa mga taong nakapaligid kaya ako
nangusap upang manalig na sila na ikaw ang nagsugo sa akin.” Pagkasabi niya nito, buonglakas siyang sumigaw: “Lazaro, halika sa labas!” Lumabas ang namatay na natatalian ng telang panlibing ang mga paa at kamay, at napupuluputan din ng panyo ang mukha niya. At sinabi ni Jesus sa kanila: “Kalagan siya nang makalakad.” Kaya nanalig sa kanya ang marami sa mga Judiong pumunta kay Maria at nakasaksi sa kanyang ginawa.
Pagninilay
Nasaksihan natin sa Ebanghelyo ang huli o ikapitong “tanda”, o himala ni Jesus sa Ebanghelyo ayon kay San Juan. Sinabi ni Jesus kay Marta na Siya ang muling pagkabuhay at ang buhay. Sinumang nananalig sa Kaniya ay mabubuhay at hindi mamamatay. Ang tinutukoy ni Jesus ay ang buhay na walang hanggan kasama ng Diyos. Kaya ipinakita ni Jesus ang Kaniyang kapangyarihan sa makalupang kamatayan nang tawagin si Lazarus na lumabas sa libingan. Lumabas nga si Lazarus at pinalaya mula sa pagkakagapos. Makikita natin na dumating si Jesus sa tamang panahon na namatay si Lazaro. Pwede naman kung tutuusin na pumunta Siya ng mas maaga, pero dumating si Jesus nang namayapa na si Lazaro. Dahil naantala ang kaniyang dating, naipakita ni Jesus na mayroon pa siyang higit na kapangyarihan, hindi lamang sa sakit kundi sa kamatayan. Kaya winika ni Jesus sa mga alagad bago siya umalis patungong Betania, “Para sa inyo’y natutuwa akong wala ako roon sapagkat ngayon ay maniniwala na kayo”. Naniniwala na sila kay Jesus hindi lamang bilang ang nagbibigay-buhay at kagalingan para sa mga maysakit, ngunit bilang Tagapagbigay-Buhay para sa mga yumao. Nawa maging hamon ito na lalo pa nating patatagin ang pananampalataya natin. Dahil sa pananampalataya kay Jesus, ang Panginoon ng Buhay, palaging may pag-asa sa puso natin at maaari nating harapin ang sarili nating kamatayan nang may pananalig kay Jesus.
© Copyright Pang Araw-araw 2026





