Ebanghelyo: Jn 18: 1 — 19: 42*
(…) Kaya dinakip si Jesus ng tropa, ng kapitan at ng mga bantay ng mga Judio, at iginapos siya. At dinala muna nila siya kay Annas na biyenan ni Caifas na siya namang Punong-pari nang taong iyon. Ngayon, si Caifas ang nagpayo sa mga Judio na mas makabubuting isang tao ang mamatay alang-alang sa sambayanan. (…) Siniyasat si Jesus ng Punong-pari tungkol sa kanyang mga alagad at tungkol sa kanyang turo. Sumagot sa kanya si Jesus: “Lantaran akong nangusap sa mundo. Lagi akong nagtuturo sa sinagoga’t sa Templo na pinagtitipunan ng lahat ng Judio. Wala akong ipinangusap nang palihim. Ba’t ako ang tinatanong n’yo? Ang mga nakarinig sa ipinangusap ko sa kanila ang tanungin n’yo. Siguradong alam nila ang mga sinabi ko.” Sa pagsagot niya nang ganito, sinampal si Jesus ng isa sa mga bantay na nakatayo roon at sinabi: “Ganyan ka ba sumagot sa Punong-pari? Sinagot siya ni Jesus: “Kung nangusap ako ng masama. Patunayan mong masama; kung mabuti naman, bakit mo ako pinagbuhatan ng kamay?” At nakagapos siyang ipinadala ni Annas kay Caifas na Punong-pari. (…)
Pagninilay
Ipinagkait pa sa Kanya ang respetong natatangi sa isang tao kahit hanggang
sa huling sandali ng Kanyang paghinga. Si Jesus…
… nakabayubay sa krus … inaalipusta ng mga tao – “Hayan! Iligtas
mo sarili mo!” … duguan – katawan at buong pagkatao. Mga tao…
… nakatunganga sa krus … inaalipusta ang Tao – “Ama, patawarin Mo
sila ‘pagkat ‘di nila alam ang kanilang ginagawa.” … makasalanan – katawan at buong pagkatao.
© Copyright Pang Araw-Araw 2024