Ebanghelyo: Lucas 19:11-28
Malapit na ngayon si Jesus sa Jerusalem at akala ng mga taong kasama niya’y agad na ipakikita ang kaharian ng Diyos. Kaya sa kanilang pakikinig ay isa pang talinhaga ang inilahad sa kanila ni Jesus. Sinabi niya: “May isang maharlikang tao na pu munta sa malayong lupain para mahirang na hari at saka siya babalik. Tinawag niya ang sampu niyang katulong at binigyan sila ng tigiisang bar yang ginto at sinabi sa kanila: ‘Ipagnegosyo ninyo ito hanggang sa aking pag balik.’ Namumuhi sa kanya ang kanyang mga kaba ba yan kaya nagsugo sila ng ilang kinatawan para sa bihin: ‘Ayaw na ming maghari sa amin ang taong ito.’ Gayon pa ma’y bumalik siya pag kahirang bilang hari. Ipina tawag niya ang mga katulong na bi nigyan niya ng baryang ginto para malaman kung mag kano ang tinubo ng bawat isa. Humarap ang una at sinabi: ‘Panginoon, tumubo ng sampu pa ang barya mong ginto.’ Sumagot siya: ‘Magaling, mabu ting utusan; dahil naging matapat ka sa ma liit na bagay, mapamamahala kita sa sampung lunsod.’ Dumating ang ika lawa at sinabi: ‘Panginoon, tumubo ng lima pa ang iyong baryang ginto.’ Si na bi nito sa kanya: ‘Mamamahala ka sa limang lun sod.’ Dumating ang isa pa at sinabi: ‘Pangi noon, narito ang iyong bar yang ginto. Binalot ko ito sa isang panyo at itinago. Natatakot ako sa iyo dahil mapaghanap kang tao, kinu kuha mo ang di mo idineposito at inaani ang di mo inihasik.’ Sinabi sa kanya ng panginoon: ‘Masamang utusan, sa sarili mong mga salita kita hahatulan. Alam mo palang mapaghanap ako, na kinu ku ha ko ang di ko idineposito at ina ani ang di ko inihasik, bakit di mo idi neposito sa bang ko ang aking bar yang ginto? At maku kubra ko sana iyon pati na ang interes pagbabalik ko.’ At sinabi niya sa mga naroon: ‘Kunin sa kanya ang baryang ginto at ibigay sa may sampu.’ Sumagot sila: ‘E, Panginoon, may sampung baryang ginto na siya.’ ‘Sinasabi ko sa inyo: bibigyan ang meron pero aalisan ang wala, kahit na ang meron siya ay kukunin sa kanya. Ngunit dalhin ninyo rito ang aking mga kaaway na ayaw akong maghari sa kanila at pata yin sa harap ko’.” Pagkasabi nito, umuna si Jesus sa kanila paJerusalem.
Pagninilay
Ang isang manggagawang hindi nagbibilang ng oras at pagod sa trabaho ay kinalulugdan ng kanyang amo. Dahil dito, nabibigyan siya ng pagkakataong lumago sa pamamagitan ng pagatang sa kanya sa mas mataas na posisyon o malaking katungkulan. Kaya kung sino ang may roong pagsusumikap, ma bibigyan pa nang mas ma rami. Habang iyong mga walang pagsusumikap ay mas mawawalan pa. Ang talinhaga sa ebanghelyo ay nagtuturo sa atin na maging karapatdapat sa mga gawang ipinagkatiwala sa atin. Ang Panginoon ay nagbibigay ng mga biyaya tulad ng mga talento upang palaguin sa pamamagitan ng pagbabahagi at paggamit nito sa ating paglilingkod. Kung hindi papakinabangan ang mga biyayang natanggap, masa sayang lamang ito tulad sa ating buhay na lumilipas lamang. Magiging makabuluhan at mabunga ang buhay natin kung palalaguin pa natin ang mga biyaya. Nang sa gayon, mas magiging kalugodlugod tayo sa Panginoon.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023