Ebanghelyo: Lucas 19:41-44
Nang malapit na siya at kita na ang lunsod, iniyakan ito ni Jesus: “Kung nalalaman mo lamang sana sa araw na ito ang daan sa kapaya paan! Ngunit ngayo’y hindi mo ito nakikita. Sasapit sa iyo ang mga araw na magka kampo sa pa ligid mo ang iyong mga kaaway, ku kubkubin ka at sisikilin sa lahat ng da ko. Igu guho ka nila sa iyong mga anak, at walang iiwang magkapatong na bato sa iyo. Sapagkat hindi mo na laman ang panahon ni ang pagdalaw ng iyong Diyos.”
Pagninilay
Sa panahon ng pandemya ng CoViD19 at sa pagkalat ng mga kaso nito sa isang parokya, nagtungong magisa ang kuraparoko sa kanyang opisina at umiyak sa kalungkutan dahil sa mga nangyayari. Marami sa mga nasasakupan ng parokya ang hindi makalabas dahil sa contact trace at quarantine. Sa sobrang kalungkutan at takot, dumulog siya sa Panginoon sa panalangin at humingi ng grasya sa pagtanggap kung anong nararapat. Sa Ebanghelyo, umiyak si Jesus dahil sa pagtalikod sa kanya at sa kanyang mensahe sa sangkatauhan. Nalulungkot Siya para sa kanila. Sa mga pangyayari ngayon kung saan mayroong mga bagay na nakakabagabag tulad ng mga kalamidad, krimen, pangaabuso, at pagaalipusta sa mga dukha, nakakaramdam pa ba tayo nang lungkot? O nananatili na lamang tayo sa ating mga komportableng ka la gayan habang maraming mga naghihirap at nagdurusa? Iiyak pa ba tayo para sa ating mga kapwatao o hindi na lamang tayo lilingon sa kanila upang hindi tayo mabagabag sa kanilang kalagayan?
© Copyright Pang Araw-Araw 2023





