Ebanghelyo: Lucas 10:17-24
Tuwang-tuwang nagbalik ang Pi tumpu’t dalawa at ang sabi: “Panginoon, mga demonyo ma’y sumuko sa amin dahil sa iyong pangalan.” Sinabi naman ni Jesus: “Nakita kong bumag sak na parang kidlat si Satanas mula sa langit. Binibigyan ko kayo ng ka pang yarihang yumapak sa mga ahas at alak dan. Masu supil ninyo ang lahat ng ka pang yarihan ng kaaway, at walang anu mang makapi pinsala sa inyo. Suba lit magalak kayo hindi dahil sa pag suko sa inyo ng mga espiritu kundi sa pagkat nasusulat sa langit ang in yong mga pangalan.” Nang sandaling iyo’y nag-umapaw sa galak sa Espiritu Santo si Jesus at sinabi niya: “Pinupuri kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, dahil inilihim mo ang mga bagay na ito sa marurunong at matatalino, at ipinamulat mo naman sa maliliit. Oo, Ama, naging kalugud-lugod ito sa iyo. Ipinagkatiwala sa akin ng aking Ama ang lahat. Walang nakaka kilala kung sino ang Anak kundi ang Ama, at kung sino ang Ama kundi ang Anak at ang sinumang gustuhing pagbunyagan ng Anak.” Pagkatapos ay bumaling si Jesus sa mga alagad at sinabi sa kanila nang sari linan: “Mapalad ang mga matang nakakakita ng inyong nakikita. Sinasabi ko sa inyo na maraming propeta at hari ang nagnais makita ang inyong nakikita pero hindi nila nakita, at ma rinig ang inyong naririnig pero hindi nila narinig.”
Pagninilay
Puno nang ligaya, umuwi ang mga alagad ni Jesus mula sa kanilang unang misyon na ipahayag ang mensahe ng Kaharian ng Diyos. Dapat lamang na sila’y magalak hindi dahil sa kapangyarihang ipinagkaloob sa kanila upang maganap ang pagpapagaling sa mga may sakit, pagtataboy sa mga masasamang espiritu, at pagbibigay kapayapaan; bag kus, dahil sa kanilang mga pangalang nakasulat na sa langit. Pinagpala sila sapag kat kanilang natuklasan ang kilos sa mapagpalang kapangyarihan nang Diyos. Tulad sa mga alagad, nawa’y matuwa tayong mga naglilingkod sa Panginoon dahil tayo’y nagi ging bahagi sa kanyang misyon. Tumi tingin ang Diyos sa ating pagtatagumpay at kabiguan. Nalalaman niya ang atin g mga pagsusumikap kaya sa tuwina’y hingin natin ang biyaya nang tibay at tiwala. Nang sa gayon, tayo’y magalak sa atin g pakikibahagi sa misyon ng pagpapahayag sa iba’t-ibang pamamaraan nang pagsaksi sa pananampalataya. Sa katapusan, mabibilang din tayo sa mga pinagpalang naka sulat na ang pangalan sa langit.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023





