Ebanghlyo: Lucas 11:5-13
Sinabi rin sa kanila ni Jesus: “Ipalagay nating may kaibigan ang isa sa inyo at pinuntahan mo siya sa hatinggabi at sinabi: ‘Kaibigan, pahiram nga ng tatlong pirasong tinapay dahil kararating lang mula sa biyahe ng isa kong kaibigan at wala akong maihain sa kanya.’ At sasagutin ka siguro ng nasa loob: ‘Huwag mo na akong gambalain. Nakatrangka na ang pinto at nakahiga na kami ng mga bata; hindi na ako maaaring tumayo para bigyan ka.’ Sinasabi ko sa inyo, kung hindi man siya bumangon para magbigay dahil sa pakikipagkaibigan, babangon pa rin siya at ibibigay sa iyo ang lahat mong kailangan dahil sa pagpupumilit sa kanya. Kaya sinasabi ko sa inyo: humingi at kayo’y bibigyan, maghanap at matatagpuan ninyo, kumatok at bubuksan ang pinto para sa inyo. Talaga ngang tumatanggap ang humihingi, nakakatagpo ang naghahanap at pinagbubuksan ang kumakatok. Sino sa inyo ang amang magbibigay ng ahas sa kanyang anak kung isda at hindi ahas ang hinihingi nito? Sino ang magbibigay ng alakdan kung itlog ang hinihingi? Kaya kung kayo mang masasama’y marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang Ama mula sa langit? Tiyak na ibibigay niya ang banal na Espiritu sa mga hihingi sa kanya.”
Pagninilay
“Humingi kayo at kayo’y bibigyan.” Sa Ebanghelyo ay ipinapakita ang tamang pananaw patugkol sa panalangin. Sinabi ni Jesus “Humingi kayo, at kayo’y bibigyan; humanap kayo at kayo’y makasusumpong; kumatok kayo,
at ang pinto’y bubuksan para sa inyo.” Alam at naniniwala tayo na sa bawat panalangin natin ay may kasagutan ang Diyos. Pero alam din natin na hindi sa lahat ng ating panalangin ay pinagbibigyan tayo ng Diyos. Madalas ay maghihintay tayo sa tugon ng Diyos sa ating panalangin. Dahil sa bawat sagot ng Diyos, ito ay nasa tamang panahon, sitwasyon at pagkakataon. Isang aral din sa mga magulang na hindi sa lahat ng kahilingan ng mga anak ay agarang ibibigay. Ganoon din sa ating responsibilidad sa ating
kapwa, hindi lahat ng kahilingan ay tutugunan. Mahalagang sinusuri ang bawat kilos natin sa buhay. Mahalaga na ang bawat aksyon ay bunga ng panalangin at gabay ng espiritu Santo. Nang sa gayon, ang ating aksyon ay nasa tamang panahon, sitwasyon at pagkakataon. At sa bahagi nating
humilihing at nananalangin, sana ay matututo tayong maghintay. Ang
masusing paghihintay ay tanda ng pagmamahal. Ang diwa ng sinodo, nakasulat na “ang mga dukha ay humihingi ng pagmamahal sa Simbahan. Ito ang pagmamahal na may paggalang, pagtanggap at pagkilala sa mga
mahihirap” (rf. XVI Ordinary General Assembly of the Synod of Bishops, A
Synodal Church in Mission, 4.a). Sila din ay umaasa at nananalangin.
© Copyright Pang Araw-araw 2025