Ebanghelyo: Lucas 11:42-46
Sawimpalad kayong mga Pariseo! Nagbabayad nga kayo ng ikapu ng yerbabuena at ng ruda at ng lahat ng gulay, at pinababayaan naman ninyo ang katarungan at ang pag-ibig sa Diyos. Ito nga ang dapat gawin nang di kinaliligtaan ang mga iyon. Sawimpalad kayong mga Pariseo! Gusto ninyong mabigyan ng pangunahing upuan sa mga sinagoga at mabati
sa mga liwasan. Sawimpalad kayo, na parang mga nakatagong libingan,
na inaapakan ng mga tao at di man lang nila namamalayan.” Nagsalita ang isang guro ng Batas: “Guro, iniinsulto mo rin kami sa pagsasabi mo ng mga ito.” At sinabi ni Jesus: “Sawimpalad din kayong mga guro ng Batas! Ipinapapasan ninyo sa mga tao ang mga napakabibigat na pasanin, ngunit
ni isang daliri ay ayaw ninyong igalaw para tulungan sila.
Pagninilay
“Batas ng Pag-ibig ni Kristo.” Ang Diyos ay tunay at totoo sa kanyang mga salita at pangako sa tao subali’t ang tao ay madalas na pumapalpak at nagkakamali. Sa mga pagbasa sa araw na ito maaring ipinakikita sa atin ng Diyos ang kahalagan ng integridad ng pamumuhay, kung saan bukang-bibig ay siyang galaw ng katawan. Huwag nawa tayong matulad sa mga Pariseo at tagapagturo ng Batas na magaling sa mga salita subalit hindi nakikita sa gawa at sa sariling buhay. Ang tunay na Kristiyano ay sumusunod sa Batas ng Pag-ibig ni Kristo. Katulad ni Santa Teresa ng Avila namuhay bilang tapat
na lingkod at tunay na may puso para kay Jesus at dahil sa kanyang kanyang katapatan at pagiging totoo sa buhay ay nahirang siyang maging isang banal ng Simbahan. Nawa, sa tulong at panalangin ni Santa Terasa ng Avila na ating ring ipinagdidiwang at sa hamon ng mga Pagbasa ay maunawaan nawa natin ang kahalagan ng tunay na pakikipag-relasyon sa Diyos sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng ating pinanampalatayan, walang-iba ang dakilang Pag-ibig, si Jesus. Ang bawat isa sa atin ay regalo
at saksi ng kagalakan na dulot ng mabuting balita” (rf. XVI Ordinary
General Assembly of the Synod of Bishops, A Synodal Church in
Mission, 4.h)
© Copyright Pang Araw-araw 2025