Ebanghelyo: Lucas 2:22-40*
Nang dumating na ang araw ng paglilinis nila ayon sa Batas ni Moises, dinala ang sanggol sa Jerusalem para iharap sa Panginoon – tulad ng nasusulat sa Batas ng Panginoon: Lahat ng panganay na lalaki ay ituturing na banal para sa Panginoon. Dapat din silang mag-alay ng sakripisyo tulad ng binabanggit sa Batas ng Panginoon: isang pares na batubato o dalawang inakay na kalapati.
Ngayon, sa Jerusalem ay may isang taong nagnga ngalang Simeon; totoong matuwid at makadiyos ang taong iyon. (…) Kaya pumunta siya ngayon sa Templo sa pagtutulak ng Espiritu, nang dalhin ng mga magulang ang batang si Jesus para tuparin ang kaugaliang naaayon sa Batas tungkol sa kanya.
Kinalong siya ni Simeon sa kanyang mga braso at pinuri ang Diyos, at sinabi: “Mapayayaon mo na ang iyong utusan, Panginoon, nang may kapayapaan ayon na rin sa iyong wika; pagkat nakita na ng aking mga mata ang iyong pagliligtas na inihanda mo sa pani ngin ng lahat ng bansa, ang liwanag na ibubunyag mo sa mga bansang pagano at ang luwalhati ng iyong bayang Israel.”
Nagtataka ang ama at ina ng bata sa mga sinasabi tungkol sa kanya. Pinagpala naman sila ni Simeon at sinabi kay Mariang ina ng bata: “Dahil sa kanya, babag sak o babangon ang mga Israelita at magiging tanda siya sa harap nila at kanilang sasalungatin. Kaya mahahayag ang lihim na pagiisip ng mga tao. Ngunit pag lalagusan naman ng isang punyal ang puso mo.”
May isa ring babaeng propeta, si Ana na anak ni Panuel na mula sa tribu ng Aser. Matandangmatanda na siya. Pagkaalis sa bahay ng kanyang ama, pitong taon lamang silang nag sama ng kanyang asawa, at nagbuhaybiyuda na siya at hindi siya umaalis sa Templo. Arawgabi siyang sumasamba sa Diyos sa pagaayuno at pananalangin. Walumpu’t apat na taon na siya. Sa pagakyat niya sa sandaling iyon, nagpuri rin siya sa Diyos at nagpahayag tungkol sa bata sa lahat ng naghihintay sa katubusan ng Jerusalem.
Nang matupad na ang lahat ng ayon sa Batas ng Panginoon, umuwi sila sa kanilang bayan, sa Nazaret sa Galilea. Lumalaki at lumalakas ang bata; napuspos siya ng karunungan at sumasakanya ang kaganda hangloob ng Diyos.
Pagninilay
Si Simeon at si Anna ang dalawang matandang kumakatawan sa paghihintay ng bayan ng Israel sa ipinangakong Mesiyas na siyang katuparan ng plano ng kaligtasan. Para kay Simeon, isang pribilehiyo ang makita ang Mesiyas bago siya pumanaw. Si Anna, isang propetesa, ay matimtim na naghihintay sa pagdating ng Mesiyas doon sa templo sa kanyang panalangin at pagaayuno. Nagpasalamat siya sa katuparan ng hinihintay na Mesiyas. Sa ating pagiging binyagan, ating tinatamasa ang biyaya ng kaligtasang dala ni Jesus, ang Mesiyas. Marapat na isabuhay natin ang biyayang ito sa pamamagitan ng pagiging saksi sa kagalakang dulot ng pagiging malayang anak ng Diyos. Tulad ni Simeon at Anna, ipagbunyi natin ang pananampalataya kay Jesus. Tayo nawa’y maging instrumento upang matagpuan din ng iba si Jesus sa ating buhay.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023