Ebanghelyo: Marcos 6:30-34
Pagbalik ng mga apostol kay Jesus, isinalaysay nila sa kanya ang lahat nilang ginawa at itinuro. Sinabi naman niya sa kanila: “Tayo na sa isang ilang na lugar para mapagisa tayo at makapag pa hinga kayo nang kaunti.” Sapagkat doo’y marami ang paroo’t parito at hindi man lamang sila makakain. Kaya lumayo sila at namangka na silasila lang patungo sa ilang na lugar.
Ngunit nakita silang umalis ng ilan at nabalitaan ito ng marami. Kaya nagtakbuhan sila mula sa kanikanilang bayan at nauna pang dumating na lakad kaysa kanila.
Pagdating ni Jesus sa pampang, nakita niya ang maraming taong nag kakatipon doon at naawa siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol. At nagsimula siyang mag turo sa kanila nang matagal.
Pagninilay
Pagkatapos sa sapat na panahon ng pananatili kay Jesus, pakikinig at pagaaral sa kanyang pamamaraan, ang mga alagad ay sinugo sa iba’t ibang lugar upang ipahayag ang Mabuting Balita, magpagaling ng mga maysakit at magpalayas ng demonyo. Sa pagbalik nila kay Jesus, isinalaysay nila ang lahat na kanilang ginawa at naranasan sa paglalakbay. Pinapunta sila sa isang ilang na lugar upang magpahinga. Para sa mga naglilingkod sa Simbahan, hindi magiging makahulugan at mabunga ang misyon kung hindi tayo nakikinig at nananatili kay Jesus. Kailangan munang maging malapit sa kanya gaya ng mga apostoles sa pamamagitan ng taimtim na pananalangin, pagninilaynilay at pagaaral sa kanyang mga salita at halimbawa. Sa tuwina, bumabalik tayo kay Jesus upang ma kapagpahinga at mabigyan ng sapat na lakas na ipagpatuloy ang ating paglilingkod. Si Jesus ang Mabuting Pastol. Sa kanyang malambot na puso, nalalasap natin ang kanyang pagibig at awa na siya rin nating ibinabahagi sa iba.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023