Ebanghelyo: Lucas 6:17, 20-26
Pagkababa kasama nila, tumigil si Jesus sa isang patag na lugar. Naroon ang maraming alagad niya, at napakarami ring tao mula sa buong Judea at Jeru salem at mula sa baybaying dako ng Tiro at Sidon.
Tumingala noon si Jesus sa kan yang mga alagad at sinabi:
“Mapapalad kayong mga dukha sapagkat sa inyo ang ka harian ng Diyos.
Mapapalad kayong mga na gu gutom ngayon sapagkat bubu sugin kayo.
Mapapalad kayong mga umi iyak ngayon sapagkat tatawa kayo.
Mapapalad kayo kapag kina popootan kayo ng mga tao at itinatakwil at iniinsulto, at sinisiraang-puri dahil sa akin. Magsaya kayo at lubos na magal ak sa araw na iyon sapagkat malaki ang inyong gantimpalang nasa Diyos; gayundin ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta.
Ngunit sawimpalad kayong mayayaman sapagkat tinatamasa na ninyo ang inyong ginhawa! Sawimpalad kayong mga bu sog ngayon sapagkat magu gu tom kayo!
Sawimpalad kayong huma halakhak ngayon sapagkat mag luluksa kayo’t iiyak!Sawimpalad kayo kapag pinag-uusapan kayo nang mabuti ng lahat ng tao dahil ganoon din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga bulaang propeta.
Pagninilay
Sa Ebanghelyo ngayong araw, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Mapalad kayong mahirap. Mapalad ka na nagugutom. Mapalad ka na umiiyak. Mapalad ka kapag kinamumuhian ka ng mga tao, iniinsulto, at sinumpa ang iyong pangalan bilang masama.” Kung tutuusin, pinagpala ba ang pakiramdam natin kapag nakaka-ranas tayo ng kahirapan, gutom, o iba pang mga pagsubok? Ramdam mo ba ang pagiging ma palad kung may namumuhi o naiinis sa iyo?
Hindi yata pagpapala ang ating nararamdaman kapag tayo’y nasa-saktan, nalulungkot, at nalilito. Mala-mang na maaari tayong makaram-dam na mistulang tayo ay isinumpa o ipinagkanulo. Baka pa nga nalu-lungkot, natatakot, o nagagalit tayo sa Diyos. Gayunpaman, sinasabi sa atin ni Jesus na magalak sa araw na iyon. Pinapangako niya sa atin na magkakaroon tayo ng gantimpala sa langit.
Nagpatuloy si Jesus sa mga “sawimpalad.” Sinabi niya: “Sawim-pal ad kayong mga mayaman, natang gap n’yo na ang inyong aliw. Sawim palad kayong mga busog, magu gutom kayo. Sawimpalad kayong mga tumatawa ngayon; malu lungkot at iiyak kayo. Sawim-palad kayo kung ang mga tao ay magsalita ng mabuti tungkol sa iyo, dahil ganoon din ang ginawa ng mga ninuno sa mga propeta.”
Madali nating kalimutan ang pag papala hanggang sa duma ting tayo sa panahon ng kahirapan. Pag-nilayan natin: Nakikita ko ba ang pagpapala kapag nagugutom ako sa pag-ibig, kagalakan, o pag-asa? O, sa mga oras na ito pakiramdam ko ay pinabayaan ako ng Diyos? Min san, kailangan nating makita ang pagi-ging mapalad sa mga mahihirap na bagay sa buhay natin.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022