Ebanghelyo: Marcos 8:11-13
Dumating ang mga Pariseo at nagsimulang makipagtalo sa kanya. Gusto nilang subukan si Jesus at humingi ng isang makalangit na tanda. Nagbuntung-hininga siya at sinabi: “Bakit humihingi ng palatandaan ang lahing ito? Talagang sinasabi ko sa inyo: walang tandang ibi-bigay sa lahing ito.” Kaya iniwan sila ni Jesus at sumakay sa bangka patawid sa kabilang ibayo.
Pagninilay
Kinahihiligan na natin ang pagbasa ng mga palatandaan o senyales sa mga bagay na hindi natin lubos naiintindihan. Pero ano nga ba ang pagkakaintindi natin sa mga ito? Inaasahan ng mga tao sa panahon ni Jesus na ang pagdating ng Mesiyas ay sasamahan ng mga pambihirang palatandaan at kaba-balaghan upang patunayan sa kan-yang mga sinasabi. Iyon ang dahilan kung bakit sa Ebanghelyo ngayon, ang mga Pariseo ay humiling ng isang senyales. Marami na rin kasi ang nagpahayag na sila ang mesiyas, pero kalaunan ay nadiskubreng peke naman pala. Ang kanilang ha ngarin ay mailantad siya, nang sa gayon ay mapahina ang kanyang awtoridad at gayundin, ganap na siraan Siya at mawala sa Kanya ng tanyag na suporta. Ngunit tumanggi si Jesus na pagbigyan sila. Kung tu tuusin at kung totoong nakinig sila sa kanya, sapat na ang mga ginawa niya para magpatunay kung sino siya.
Minsan tayo rin ay hindi kumbin-sido sa mga nagawa ng Diyos sa buhay natin. Lagi nating iniisip na kamangha-mangha o kagulat-gulat ang mga himala. Kaya naman hindi natin napapansin ang mga ordinaryo at pangkaraniwang himala sa ating buhay. Anong mga pangyayari sa buhay mo ngayon ang hindi mo na-papansin?
© Copyright Pang Araw-Araw 2022