Ebanghelyo: Lucas 6:27-38
Ngunit sinasabi ko sa inyong mga nakikinig: mahalin ninyo ang inyong mga kaaway, gawan ninyo ng mabuti ang mga napopoot sa inyo, pagpalain ninyo ang mga sumusumpa sa inyo, ipagdasal ninyo ang tumatrato sa inyo nang masama. Sa sumasampal sa iyo sa isang pisngi, iharap mo rin ang kabila. Sa umaagaw ng iyong kamiseta, huwag mong itanggi ang iyong sando. Magbigay ka sa sinumang humihingi sa iyo; at kung may kumuha ng iyong ari-arian, huwag mo nang hingin pa uli.
Kaya gawin ninyo sa iba ang gusto ninyong gawin nila sa inyo.
Kung minamahal ninyo ang mga umiibig sa inyo, ano ang kahanga-hanga roon? Minamahal din ng mga makasalanan ang mga nagmamahal sa kanila. Kung ginagawa ninyo ang mabuti sa mga gumagawa nito sa inyo, ano ang kahanga-hanga roon? Iyon din ang gi-nagawa ng mga makasalanan. Kung nagpapautang kayo sa mga inaasahan ninyong makapagbabayad, ano ang kahanga-hanga roon? Nagpapautang din ang mga makasalanan sa mga makasalanan para matanggap ang katumbas.
Sa halip ay mahalin ninyo ang inyong mga kaaway; gumawa kayo ng mabuti at magpautang na walang inaasahang anuman. Kaya gagantimpalaan kayo nang malaki at magiging mga anak ng Kataas-taasan dahil butihin siya sa mga walang-utang-na-loob at masasama. Maging maawain kayo gaya ng inyong Amang maawain.
Huwag kayong humatol, at hindi kayo hahatulan; huwag ninyong sumpain ang sinuman, at hindi kayo susumpain; magpatawad kayo, at kayo’y patatawarin. Magbigay kayo, at kayo’y bibigyan – isang saganang takal, siksik, liglig at umaapaw ang mabubuhos sa inyong kandungan. Sapagkat susukatin kayo sa sukatang ginagamit ninyo.”
Pagninilay
Mahirap pakinggan ang Ebang-helyo ngayon. Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, at sa atin din: “Mahalin ang inyong mga kaaway! Maging mabait, maging mabuti ka sa kanila kahit inuusig ka nila!”
Ang mga salitang ito ni Jesus ay pamilyar sa atin. Narinig na ito ng maraming beses. At tinangka na rin nating isabuhay ang mahalin ang ating mga kaaway. Sa mga pagka-kataon na nagawa natin magpa-tawad, hindi ba’t naunawaan nating mapagpalaya ang walang kaaway? Pero may mga pagkakataon – at paki wari ko ay mas madalas ito – na nasabi nating mahirap o di kaya’y imposible itong mangyari dahil mas yadong malalim na ang sugat. Lalo pang pinahirap ito kung ang nagkasala sa atin ay ang mga taong malapit sa puso natin. Batid din ito ni Jesus – alalahanin natin na sa pa-nahong kailangan niya ang kanyang mga kaibigan ay iniwan siya nito. Hindi ba ipinagpalit siya ni Hudas sa 30 pirasong pilak, at itinanggi siya ni Simon Pedro ng tatlong beses!
Mahirap man magpatawad, pero hindi ito imposible. Ang unang hakbang ay humiling ng pagnanasa na magpatawad. Ang pagpapata-wad ay isang proseso. Hindi ito na-mamadali o pwedeng madaliin. Ga-yunpaman, kailangan natin tahakin ang daan ng pagpapatawad kahit sa pagnanasa lang muna. Sa pag-sisimula natin sa hakbang na ito, dahan-dahang mawawala ang poot at galit natin. Lahat naman yata tayo ay naghahangad na mabuhay ng mapayapa at walang poot. Kaya sa unang hakbang na ito, magsisimula na rin ang paggaling ng ating puso. Ang ibang mga hakbang ay darating din sa tamang panahon.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022