Ebanghelyo: Mateo 18:15-20
Kung nagkasala sa iyo ang iyong kapatid, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan; at kung makinig siya sa iyo, tinubo mo na ang iyong kapatid. Kung hindi naman siya makinig sa iyo, magsama ka ng dalawa o tatlo para luta sin ang kaso sa pagsaksi ng da lawa o tatlo. Kung tatanggi siyang makinig sa kanila, sabi hin ito sa Iglesya; at kung hindi pa rin siya makikinig sa Iglesya, itu ring siyang pagano o publikano. Talagang sinasabi ko sa inyo: ang talian ninyo sa lupa ay matatali rin sa Langit, at ang kalagan ninyo dito sa lupa ay kakalagan din sa Langit. Sinasabi ko rin sa inyo: kung dito sa lupa ay may dalawa sa inyo na nagka kaisang humihingi ng anuman, gagawin ito para sa kanila ng aking Amang nasa Langit. Sapagkat kung saan may dala wa o tatlong nagkakatipon sa Ngalan ko, kapiling nila ako.”
Pagninilay
Bakit kailangang mangumpisal sa pari? Hindi ba pwedeng humingi ng kapatawaran sa Diyos mismo habang nananalangin? Ito ang madalas na tanong ng ibang sekta o pananampalataya laban sa Sakramento ng Pakikipagkasundo o Kumpisal. Mas mainam na magsimula sa tanong na, “bakit kailangan nating humingi nang kapatawaran?” Tayong lahat ay nilikha ng Diyos dahil sa kanyang lubos na pagmamahal. At sa pamamagitan ni Jesus, pinagkalooban tayo nang kaligtasan upang maging Anak ng Diyos. Kaya, magkakapatid tayong lahat. Bilang mga binyagan, tayo’y naging kabahagi rin nang katawan ni Jesus. Sa bawat panahong nagkakasala tayo laban sa ating kapwa, nagkakamali rin tayo laban sa Kristiyanong sambayanan. Tandaan, tayo’y kabilang sa katawan ni Jesus. Sa bawat kasalanan na ating nagawa, nasusugatan natin ang katawan ni Jesus at ang ugnayan natin sa kapwa. Nararapat lamang na tayo’y humingi nang kapatawaran upang gumaling ang sugat at manumbalik ang mabuting relasyon sa pamayanan bilang magkakapatid. Sa Sakramento ng Kumpisal, ang pari ay nagiging kinatawan ng Panginoon sa mga salitang pagpapatawad at gayundin sa Simbahang kabahagi sa katawan ni Kristo. Magiging mapagpala ang Sakramento ng Kumpisal kung ito’y mula sa puso na nagsisisi at nagmamahal. Hindi parusa ang makakapagpabago sa tao. Sa halip, ito ay ang mapagpalang pagibig ng Diyos na ibinabahagi sa atin sa Sakramento ng Pakikipagkasundo at pagpapatawad sa ating kapwa. Pagibig ang makakapagpabago sa tao!
© Copyright Pang Araw-Araw 2023