Ebanghelyo: Lucas 6:6-11
Sa iba namang Araw ng Pahinga, puma sok siya sa sinagoga at nagturo. May isang lalaki na hindi maigalaw ang kanang ka may. Pinagmamasdan siya ng mga guro ng Batas at mga Pariseo, at baka pagali ngin ito ni Jesus sa Araw ng Pahinga at nang maisakdal nila siya. Ngunit alam ni Jesus ang kanilang ini isip kaya sinabi niya sa lalaking hindi maigalaw ang kamay: “Tumindig ka’t tumayo sa gitna.” Tumindig nga ito at tumayo roon. Sinabi ni Jesus sa kanila: “Mata nong ko nga kayo: ano ang ipinahihintulot sa Araw ng Pahinga, guma wa ng mabuti o gumawa ng masama, magligtas ng buhay o pumatay?” Ti ningnan niya silang lahat sa paligid at sinabi sa tao: “Iunat mo ang iyong ka may.” Ginawa niya ito at guma ling ang kanyang kamay. Galit na galit naman sila at magka kasamang nagusapusap kung ano ang magagawa nila kay Jesus.
Pagninilay
Walang tamang gawa, kahit gaano pa kabuti ang layunin, para sa taong naghahanap ng kamalian. Ganito ang turing ng tagapagturo ng batas at mga pariseong nagbabantay at naghahanap ng kamalian laban kay Jesus. Hindi sila tumitingin sa kanyang mabubuti at makahulugang gawa sa pagpapagaling sa taong paralitiko. Mas binigyang ha
laga nila ang batas ukol sa Araw ng Pamamahinga. Hanggang ngayon, ito’y makikita natin maging sa mga pagkakaiba natin ng mga prinsipyong politi kal at pinaniniwalaan. Naghahanapan ng kamalian laban sa isatisa upang iangat ang sarili. Maging sa pananampalataya, naghahanap ng kamalian sa ibang relihiyon upang masabing sila ang tama at ang kaligtasa’y nananahan lang sa kanila. Kaya malaking hamon ang pakikipagugnayan sapagkat maraming mga puso ang tigang at hindi pa handang makinig sa iba. Gayunpaman, hindi dapat mawalan nang pagasa. Sa kabila ng mga pananaway, nagpatuloy pa rin si Jesus sa paggawa ng kabutihan mula sa pagibig. Wika ni San Agustin, “Mahalin ang Diyos at gawin kung anong dapat mong gawin.” Kung ang paggawa ay mula sa pagibig, kailanma’y walang kabiguan.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023